Shana's POV
Umaga na at ngayon, nag reready na kami mag hiking gaya ng napag-usapan.
"Okay! So, by twos tayo dahil 12 naman tayo lahat bale magkaka roon ng 6 teams. Don't worry, hindi naman kayo maliligaw doon dahil 'yung main path lang for hikers ang dadaanan natin at may radio per group" Paliwanag ni Hoseok.
"Ganito, bubunot kayo dito at ang magiging ka-pareho n'yo ng sign ang ka-grupo n'yo" Ani ni Jin habang pinapakita ang fish bowl na hawak niya na may mga naka rolyo na papel.
"Okay, kuha na" At isa isa kaming nilapitan ni Jin.
Nang akmang kukuha na ako dahil ako na ang sunod sa pila, pinigilan ako ni Jin "'Wag ka munang kumuha Shana" Aniya at dumaretso kay Sky na katabi ko.
Nang natapos na bigyan ang lahat, 'tsaka n'ya binigay saakin 'yung natitirang isa at sabay sabay naming binuksan ang papel na hawak namin.
"Sinong naka kuha ng Ace?" Tanong ni Yoongi habang winawagay way ang papel na hawak n'ya.
"Hyung!" Masiglang sabi ni Jimin at itinaas ang papel na hawak n'ya at agad siyang lumapit kay Yoongi. Agad din silang binigyan ng radio ni Hoseok.
"Sa diamond, sino?" Tanong ni Aila habang lumilinga linga. Lumapit sa kan'ya si Kiel at kinalabit s'ya at pinakita ang papel nito.
"Star, sino?" Tanong ni Taehyung. Inakbayan naman s'ya ni Hoseok while wiggling his eyebrows.
"Nice! May masasakyan ako pag napagod ako!" Biro ni Taehyung. Agad naman siyang uminda nang batukan siya ni Hoseok.
"Crown?" Tanong ni Jin.
Agad na lumapit sa kaniya si Namjoon at nag bro fist naman ang dalawa.
"Anong sign mo, babe?" Narinig kong tanong ni Jungkook kay Yanna.
Punyeta, kahapon lang parang selos na selos s'ya tapos ngayon lakas maka babe kay Yanna. Tsk. Lalaki nga naman.
"Circle akin, iyo?" Sagot ni Yanna.
Naramdaman ko ang pag galaw ni Sky sa tabi ko at lumapit kay Jungkook at Yanna.
"Partner tayo" Walang ganang sabi ni Sky at pinakita kay Yanna ang papel n'ya.
"Heart sa'yo?" Tanong saakin ni Jungkook. Walang emosyon akong tumango at pina kita sa kan'ya ang papel na hawak ko.
"Yes! Success!" Napa lingon ako kay Hoseok na parang tuwang tuwa. Tinaasan ko siya ng kilay at nang makita n'ya akong naka tingin sa kan'ya ay agad s'yang umayos ng tayo.
"Okay! Ito 'yung magkaka-grupo. Yoongi-hyung at ako; Aila at Kiel; Taehyung at Hoseok-hyung; Namjoon-hyung at Jin-hyung; Yanna at Sky and Shana at Jungkook" Recite ni Jimin.
May something talaga sa kanila. 'Yung mga tinginan nila sa isa't isa may meaning e. Hindi ko lang mabasa kung ano pero may iba talaga! Mga mokong talaga, tch.
"Ba't kay Sky ako na-partner? Gusto ko sa babe ko!" Reklamo ni Yanna habang pumapadyak padyak pa habang naka pulupot ang kamay kay Jungkook.
"'Wag ka ng mag-inarte. E si Sky ang ka-partner mo e" Ismid ni Aila.
"Shana, palit na lang tayo. Kayo ni Sky, kami ni Jungkook" Wow, this is the first time Yanna Michelle Hwang asked me for a favor- I mean begged me for something.
"Wala ng palitan!" Reaksyon agad ni Jimin.
"Edi pag pinayagan namin kayo na mag palit, 'yung may mga ayaw sa partner mag papalit na rin! " Dagdag naman ni Hoseok.
BINABASA MO ANG
Being Mrs. Jeon
Fanfiction" 'Bias: A person that will never be yours' nah, sorry girls! But I have my bias "- Shana Xigrid Jung-Jeon 【Fangirl's Story #1】 cover by: eulu-xuria ❤