**Chapter 41**
(Jelly much Part 2)
Macy’s POV
Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Lunch break na kasi. At kanina ko pa napapansin, over sa sweetness naman ‘to si Clyde ngayon. Aba’t laging hawak ang kamay ko. Tuloy, habang naglalakad kami sa hallway kanina pinagtitinginan kami.
“Anae. Gutom ka pa ba? Ano pa ang gusto mong kainin? Bibili ako, anong gusto mo?” sunod sunod na tanong sa akin ni Clyde.
Tinignan ko naman yung apat na mokong (referring to Hannah, Adrian, Melody and Renz.) aba’t tawa ng tawa.
“Haha. Tol. Baka tumaba yang Anae mo.” Natatawang sabi ni Adrian kay Clyde. Binigyan lang siya ng death glare ni Clyde at mas lalo siyang natawa.
Okaaaaaaaaaaaaay? Anong meron at tawa sila ng tawa. Bigla akong napatingin dun sa taong kakapasok lang sa cafeteria. Si Gelo.
“Hmmm. Wait lang guys ha. May pupuntahan lang ako.” Pagpapaalam ko sa kanila sabay tayo at punta kay Gelo.
“Gelo!” tawag ko sa kanya.
“Oh? Bakit?” tanong niya sa akin.
“Wala lang. may kasama ka bang maglulunch?” tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"
Teen FictionThis story is all about the nerd who fell inlove with a bad boy. Isang nerd na natakot magmahal ulit. Pero sa hindi malamang dahilan, na-inlove ulit siya. Masaktan kaya ulit siya sa pangalawang pagkakataon or hindi? Malagpasan kaya niya ang mga prob...