Chapter 2

1K 17 5
                                    

Chapter 2

Clyde’s POV

BWISET! Ang ingay talaga nung nerd na yun! Di makaget-over dun sa kanina! Di ko naman sinasadya na mabangga siya eh. Lalong di ko sinasadyang makita yung undies niya. Pano ba naman kasi, napakaclumsy!

Malalim kasi iniisip ko kanina, kaya di ko napansin na nakaharang pala siya dun. Tss. Hoy readers, wag kayong magagalit sakin ah!

So ayun nga, at dahil nagwalk-out ako sa cafeteria kanina, dito ako napadpad sa rooftop. Kainis talaga, gutom pa naman ako! -_______-

Matutulog na lang ako. Sumandal ako sa pader at pumikit. Ayan, bakit ba tuwing pumipikit ako nararamdaman ko lahat ng sakit? Sakit na dinulot nung araw na yun.

~ Flashback

“I’m so sorry Clyde, but I don’t love you anymore.” Sabi niya habang tinatanggal niya yung pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

Di ko malaman ang nararamdaman ko ngayon. May halong galit, lungkot at kung ano ano pa. Anniversary pa naman namin ngayon, tas ito lang ang mangyayari?!

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo, pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya at hinarap ko siya sakin.

Sige, nilunok ko na ang pride ko at lumuhod sa harap niya. Di ko talaga kayang mawala siya sakin.

“Please, wag mo akong iwan. Di ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko pagwala ka.”

Nagsimula na akong umiyak, unang beses kong umiyak para sa babae. Siya ang firstlove ko at the same time siya rin ata ang first heartbreak ko.

“Sorry talaga Clyde, pero hindi na kita mahal. May iba na akong gusto.” Sabay higit sa kamay niya at tumakbo palayo.

~ End of flashback

Ang bakla man pakinggan, pero talagang sobrang nasasaktan ako. At hindi lang yun ang nangyari nung araw na yun.

~ Flashback

Pauwi na ako ng bahay galing sa Anniversary date namin ni Lacy na naging disaster dahil nakipagbreak siya sa akin nang biglang magring ang phone ko.

Mom calling…..

Si Mom pala. Tsk.

“Mom. Mamaya na tayo mag-usap, I’m not in the mood.”

“CLYDE! Ang ate mo! Naaksidente!”

Di ko alam pero parang bigla na lang akong nabato sa kinatatayuan ko. Biglang akong nakaramdam ng matinding kaba at baka mawala na ang kaisa isa kong Ate.

“NASAN PO KAYO?!”

“Nandito saSilver Gates Hospital.”

Pinatay ko na ang phone ko at pumunta na sa Hospital.

Pero pagdating ko dun, mas lalo tumindi yung kabang nararamdaman ko. Nakita ko yung doctor habang kinakausap si Mommy. Lumapit naman ako sa kanila.

“Doc. What happened?! Okay na ba Ate ko?! Nasan na siya?!” sabi ko na nagpapanic na. Pero umiling lang siya.

“SH*T! MAGSALITA KA! WAG KANG PURO ILING! SUMAGOT KA!” sigaw ko sa kanya habang kinukwelyuhan ko siya.

“Clyde. Stop it.” Sabi ni Mommy habang umiiyak.

"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon