Chapter 23

610 11 0
                                    

Chapter 23

Macy’s POV

“So? Sinong sasama?” sabi ni Ate Raine paglabas niya ng kitchen kasama si Kuya Gino.

“Sasama saan ate?”sabi ni Adrian.

“Mago-grocery at pupuntang palengke.” Sabi ni Kuya Gino.

“Bakit?” tanong ko sa kanila.

“Mamimili ng lulutuin para mamaya. Naubusan tayo ng supply eh. Noche buena na mamaya.” Sabi ni Ate Raine.

“So, sino ngang gusto sumama?” tanong ulit ni Ate Raine.

“ME! ^_______^)/” sabi ni Hannah sabay taas ng kamay.

“Ako din!” sabi ni Adrian.

“Count me in.” sabi ko. Naks, English xD

“Kasama si Anae so sasama rin ako.” sabi ni Clyde.

“Mag-cocommute tayo?” tanong ni Kuya Gino.

“Pasama na lang tayo kay Manong driver.” Sabi ni Ate Raine.

“Teka, nasaan ba sina Kuya Mico at Kuya Dhan?” tanong ko kay Kuya Gino.

“Umalis eh.” Sabi ni Kuya Gino.

“Tara na guys? Ay wait. Magpalit muna tayo ng damit XD Mga nakapambahay tayo eh.” Sabi ni Ate Raine.

So ayun nga, nagpunta na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nagtataka siguro kayo kung bakit wala si Lacy at Ian noh? Nagsolo kasi yung dalawa XD Nagdate.

Nag-shorts lang ako then nag-tshirt at doll shoes lang. Tapos kinuha ko yung pera ko at nilagay dun sa bag kong domo tapos sinabit ko sa leeg ko.

Tapos na rin mag-ayos si Hannah at sabay kaming bumaba. Pagdating namin dun sa living room, nandun na si Clyde, Adrian at Kuya Gino. Si Ate Raine na lang ang wala.

“Sorry kung natagalan. Hinanap ko pa yung listahan ng bibilhin eh ^_____^V” sabi ni Ate Raine.

“Let’s go na!! ^O^” sabi niya sabay cling sa braso naming dalawa ni Hannah at hinila palabas dun sa garage nila.

“So, sinong pupunta sa palengke? Hiwa-hiwalay na tayo para mas mabilis tayong matapos pamimili. Magluluto pa kasi tayo.” Sabi ni Ate Raine.

"Ahhh! Alam ko na :D Adrian and Hannah kayo ang incharge sa pamamalengke ^_____^"sabi ni Ate Raine.

"Ate bakit naman kami pa? Maputik kaya dun." pagrereklamo ni Adrian kay Ate Raine.

"Ang arte mo. Ikaw kasi may kabisado ng palengke dito. Ikaw kaya laging inuutusan ni Mama mamalengke pag nagbabakasyon tayo dito. Kaya, eto na yung listahan oh ^_____^" sabi ni Ate Raine sabay abot kay Adrian nung listahan ng pamamalengkihin.

Wala naman siyang nagawa kaya tinanggap na lang niya xD

"Okay lang yan Adrian :D Masaya kayang mamalengke :3" sabi ni Hannah.

Nginitian lang siya ni Adrian. At si Hannah? Ayun namula agad xD

"So it's settled then. Ako and Gino, tayo mamimili for desserts saka sa iba pa. Tapos si Clyde and Macy kayo ang bibili ng mga pang-spaghetti, baked mac and such, okay? Sama sama tayo sa iisang grocery. Pero maghihiwalay tayo para mas madali. Magtext na lang kayo pagtapos na kayo ha?" nag-nod lang kami kay Ate Raine.

"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon