**Chapter 32** (Renz's Mystery Girl Part 1)

510 11 0
                                    

**Chapter 32**

(Renz’s Mystery Girl Part 1)

Macy’s POV

Isang buwan na ang nakakalipas since nung nagpasukan. It means July na. Ang bilis diba? July agad agad. Si Miss Author kasi eh, masyadong nagmamadali, may date ata? Joke lang Miss Author ^_________________________^

Arasso. Gaya ng sabi ko, isang buwan na ang nakakalipas since nung nagpasukan. At hanggang ngayon, di parin namin kilala yung babaeng tinutukoy ni Renz. At isang araw, nabalitaan na lang namin sinagot na siya?!

Aba, nagbibinata na ang Renz namin. At hanggang ngayon, kinukulit pa rin namin siyang ipakilala yun sa amin. Sabi niya, ttransfer daw yung girlfriend niya dito sa school namin? Yay! May bago nanaman sigurong kasama sa barkada.

At eto kami ngayon sa cafeteria, kinukulit nanaman si Renz dun sa girlfriend niya. Mag-iisang linggo na rin silang mag-on at sobrang nakakatampo talaga ‘toh at hindi man lang sa amin pinapakilala.

“Ui Renz! Dali na, ipakilala mo na yung GF mo sa amin.” Pangungulit ni Hannah sa kanya.

“Ano ba naman NahNah! Araw-araw mo na lang ba akong kukulitin jan?! di ka pa ba nagsasawa?! Buti pa si Macy tumigil na.” sabi niya sabay tingin sa akin.

“Ahm. Renz, di ako tumigil, nagpapahinga lang ako.” Sabi ko sa kanya.

“Psh. Ewan sa inyo. Mag-bestfriend nga kayo.” Asar na sabi niya sa amin.

“Eh kasi naman pare, bakit ba ayaw mo ipakilala?” tanong sa kanya ni Clyde.

“Ayaw niya pa kasi. Di pa daw siya ready!” sabi ni Renz.

“Sus. Ikaw lang may ayaw eh.” Sabi ko naman.

“Aish. Ewan talaga sa inyo.” Asar na talaga siya. xD

*Ring Ring*

Nagulat kami ng biglang tumunog yung phone ni Renz. Di niya muna sinagot tinignan niya yung tumatawag tapos tumingin muna siya sa amin tapos tumingin ako kay Hannah ng nakakaloko.

Sinunggaban namin si Renz at tinry agawin sa kanya yung phone pero mabilis siyang nakaalis sa upuan niya at lumabas ng cafeteria.

Mga 10 minutes din silang nag-usap tapos bumalik na si Renz sa upuan namin sa cafeteria. Yung mukha niya medyong naiiritang ewan.

“Yan NahNah at CyCy. Natupad na wish niyo. Sa Sunday daw sa Mall. Pag di kayo dumating bahala kayo.” Sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Hannah tas tumakbo kami papunta kay Renz at hinug siya.

“Yay! Thank you RenRen!” sigaw naming ni Hannah sa kanya.

“You’re welcome.” Masayang sagot naman niya.

*ehem ehem*

“Nakakaselos na talaga pare. Ang sakit eh.” Sabi ni Adrian na umiiling iling pa tas nakahawak sa dibdib niya.

Nagkatinginan ulit kami ni Hannah at bumitaw kay Renz. Pinuntahan namin si Adrian at Clyde. Ngumiti naman ng pagkalapad lapad yung dalawa. Binatukan nga namin.

“Masyado kayong seloso. As if naman papatulan namin yang si Renz. Parang pinalutan ko na din Kuya ko.” Sabi ko sa kanila.

“Oo nga naman. Magselos pa kayo, tapos na tayo.” Pag-babanta ni Hannah.

Tumayo naman yung dalawa tapos niyakap kami.

“Eto naman. Joke lang, naiinggit lang naman kami eh.” Sabi ni Adrian.

“Oo nga. Joke lang yun. Promise di na mauulit.” Sabi ni Clyde.

“HEP HEP!” pag-pigil ni Renz.

“PDA yan! Pwede?” sabi ulit ni Renz.

Tumawa na lang kami at kumain ulit. Sobrang nakaka-excite naman sa Sunday. Finally makikilala na din namin ang babaeng mahal ni RenRen. ^__________________________^

[A/N: YAY! Hoho. May tanong po ako readers. Gusto niyo po ba magkaron ng season 2 ang IFIWABB? Sagot po sana kayo. Puhleaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaase. Hintay ko answer niyo ha?]

"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon