**Chapter 38** (Cold Treatment?)

447 10 0
                                    

**Chapter 38**

(Cold Treatment?)

Macy’s POV

Nandito na ako ngayon sa school. Tapos na ang Christmas Vacation. Ang bilis noh? Ni-celebrate ko ang Christmas Vacation sa Korea with my dad saka nila Kuya. Alam na rin ng barkada ang nangyari sa amin ni Clyde. At simula ng insidenteng yun, di na ulit kami nakapag-usap.

Balik sa dati. Sinuot ko ulit ang salamin ko at naka-tali ang buhok ko. Bakit? Wala. Di ko feel mag-contact lens ngayon at maglugay. May naaalala lang ako. Pagdating ko sa room, wala pang tao. Kaya nilagay ko lang yung gamit ko dun sa chair ko at lumabas muna at nagpunta dun sa garden at naupo ako dun sa ilalim ng puno.

So gaya nga ng sabi ko. Balik sa dati, kinuha ko lang ang book na paborito kong basahin at nagsuot ng headset.

#NowPlaying: Someday by IU

“ Eonjengan I nunmuri meomchugil,

Eonjengan I eodumi geodhigo,

Ttaseuhan haetsari I nunmureul mallyeojugil.”

Di ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Naalala ko nanaman yung nakita ko nung araw na yun. Alam ko, kung sa iba napatawad na nila siguro yun. Pero ako? Di ko alam. Ni hindi niya nga nagawang magpaliwanag.

Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko at tinanggal ang headset ko.

“Umiiyak ka nanaman.” Sabi niya sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko at tumawa ng konti. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

“Oh, bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko sa kanya.

“Wala naman. Bakit ganyan nanaman ang ayos mo?” tanong naman niya sa akin.

“Eh? Ahh, eto?” sabi ko sabay turo sa salamin na suot ko.

Tumango naman siya. Haha, para talagang bata ‘to.

“Haha. Wala lang, di ko lang feel ang mag-ayos?” sabi ko sa kanya na medyo patanong pa.

“Tss.”

Bigla niyang tinanggal ang salamin ko pati na rin ang pagkakatali ng buhok ko tapos ay tinitigan ako at ngumiti.

“Yan. Mas gusto ko yung ganyan mong ayos. Sayang naman ang ganda mo kung lagi mong tinatago. ^____________^” Sabi niya sa akin sabay hawi ng buhok ko na napupunta sa mukha ko.

“Haha, pano ako makakakita kung hindi ko isusuot yung salamin ko? Di ko dala yung contacts ko eh.” Sabi ko sa kanya.

“Ah. Ganun ba. Edi magsalamin ka, pero wag mo itatali yung buhok mo ha?” sabi niya sa akin sabay nilagay ulit ang salamin ko. Bigla namang nag-ring yung bell at it means time na. tumayo na kaming dalawa at nagpunta na sa room namin.

Magkatabi lang naman kami ng room kaya sabay na kaming naglakad sa hallway. Pagdating ko sa room, nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko kaya napatungo na lang ako. Pagdating ko sa upuan ko, nakita ko yung bakanteng upuan sa kaliwa ko. Di kaya siya papasok?

Bigla naman akong natauhan ng kalabitin ako ni Adrian at nakatingin din si Hannah.

“Bakit?” tanong ko sa kanila.

“Ahm. Wala lang. bakit nakasalamin ka?” tanong sa akin ni Adrian.

“Wala lang. masama ba?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman ^_________^” sabi niya sa akin. Ang cheerful talaga ng taong ‘to.

“Ahm, best.” Sabi ni Hannah.

"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon