**Chapter 36**
(Revenge)
Xyra’s POV
*smirk* Simula pa lang ‘to Macy. Kukunin ko siya sayo. Siguro reader galit na kayo sa akin noh? Pero, magpapakilala parin ako. My name’s Xyra Alexandria Garcia. Maganda, matalino, mayaman at marami pang iba. Mabait ako kung mabait ka sa akin. But don’t try to mess up with me. Kundi, pagsisisihan mo talaga.
Nandito parin ako, nakatayo kung saan iniwan ako ni Clyde. Pinanood ko siyang umalis. Ang sakit. Kelan niya kaya ako matututunang mahalin? Kahit na nagbago ako di niya parin ako magawang mahalin. Ano bang meron ang babaeng yun na wala ako?
Gusto niyo ba malaman kung anong klaseng pagbabago ang ginawa ko? Oh well, NERD lang naman ako dati. Yes, tama ang nababasa niyo. I’m a NERD before. Pero nagbago ako para kay Clyde.
*Flashback*
Nandito ako ngayon sa gym. Nakaupo dito sa mga upuan. Di ko alam kung anong tawag dito eh. Pinapanood ko ang basketball practice ni Clyde. *sigh* Ang gwapo niya talaga. Ano kayang feeling na mahalin ng isang taong tulad niya?
“Look girls oh. Nangangarap nanaman ang NERD. Hahahaha!” sabi ng mga Mean girls = o = Oh great, nandito nanaman sila.
“Hey! You!” sabi sa akin ni Mean girl #2 habang nakaturo sa akin.
“Wag mo nga pagpantasyahan ang Prince Clyde naming. Kasi NEVER siyang magkakagusto sa isang NERD na katulad mo! Hahaha.” Sabi naman ni Mean girl #3.
Sino sila? Hmmm, sila lang naman ang mahilig mambully sa akin.
“Xy, tara na. Alis na tayo. Baka magkagulo lang ulit. Sabi naman ni Annie. Bestfriend ko siya. Parehas kaming nerd. Pero mas mukha akong nerd. Why? Eh kasi ako naka-eye glasses, lagging nakabraid ang buhok at may braces. Si Annie? Nakalugay ang buhok, walang salamin at wala ring braces.
Di nga siya mukhang nerd eh. Kaya nagugulat ang mga tao jan minsan. Tapos marami rin ang nagkakagusto sa kanya kasi maganda talaga siya. Tahimik yan, pero pag nagalit. Nagiging warfreak. At ngayon? Nagtitiis na lang yan. Ayaw na kasi niya maulit yung dating nakaaway niya ang mean girls dahil sa akin.
“Oh? Bakit di kayo makasagot?” sabi nanaman ng mean girls.
“Tigilan mo na nga kami.” Sabi ni Annie sa kanya. Patay, malapit nang mapuno yan.
“Aba, sumasagot na kayo ah.” Sabi ni mean girl #3.
“Ano bang gusto niyo ha? Di naman namin kayo pinapakelaman ah. Umalis na kayo hangga’t nakakapagpigil pa ako. Kasi kundi, sisiguraduhin kong makakalbo talaga kayo.” Ayan na nga po >____< Nagiging warfreak nanaman ang bestfriend ko.
“Tch. Sige. Di muna kami makikipag-away ngayon. Kawawa naman kasi kayo eh.” Sabi sa amin nung parang leader nila. Tatlo lang kasi sila. Parang alagad niya yung dalawa. Buntot kumbaga. XD
Aalis na sana sila kaya lang may sinabi ulit siya.
“Oh, and by the way. He doesn’t like nerds like you. Try mo muna mag-ayos bago ka magpantasya baka sakaling mapansin ka niya.” Sabi niya sabay smirk at umalis na.
Urgh. The nerves >< Nakakabwisit na talaga siya.
“Geez, they’re really getting on my nerves. Nakakabwisit na sila. Lalo na yung leader-leader-an nila!” inis na sabi ni Annie sa akin.
“Pabayaan mo na lang.” sabi ko sa kanya at tumingin ulit kung saan nagppractice sina Clyde.
Mag-babago ako. Mag-aayos ako para magustuhan ako ni Clyde. Maghintay ka lang, matututunan mo rin akong mahalin.
*End of flashback*
Simula nun nagbago na ako. Nag-ayos na rin ako tapos nagtry akong magconfess kay Clyde. Pero no work. Di niya daw ako type. Sobrang nasaktan ako nun. Ni-comfort pa nga ako ni Annie nun
(Miss Author: Readers! Yan po yung after nagbreak na si Clyde at Lacy ^^ HIHI~)
*Flashback*
“Annie? Bakit ganun? Di *sob* niya ako *sob* kayang *sob* mahalin?” sabi ko kay Annie habang humahagulgol ng iyak.
“Geez, Xy. Di lang siya ang lalaki sa mundo! Wake up! Matuto kang sumuko!.” Sabi niya sa akin.
“Sumuko? DI MO KASI NAIINTINDIHAN NARARAMDAMAN KO EH!! DI KA PA KASI NAKAKAPAGMAHAL AT WALA DIN KASING NAGMAMAHAL SAYO!” sigaw ko sa kanya.
Tapos bigla siyang tumayo at sinabing: “Di na kita kilala Xyra. Hindi ikaw ang bestfriend ko. Masyado ka nang desperado kay Clyde. Ibang iba ka na.” at umalis na siya.
*End of flashback*
Simula nun, di na niya ako pinapansin. Lagi na rin akong nag-iisa. At pinromise ko sa sarili ko na gagawin ko anglahat para mapa-sa akin si Clyde. Papatunayan ko sa kanilang lahat na di ako talunan.
Makukuha ko din siya balang araw. Maghintay at maghanda ka Macy. Kukunin ko siya sayo. Sisiguraduhin kong magiging miserable din ang buhay mo kagaya ng sinapit ko. Hindi magiging masaya ang relasyo niyo *smirk* at mawawala din sayo ang bestfriend mo.
[A/N: Ayo! Readers! Haha. Musta? XD sana po nagustuhan niyo ang chapter na ‘to! Mianhae, di ako magaling sa ganyan eh. Mag-suggest nga po kayo or i-express niyo rin ang opinions niyo tungkol sa sturey/chapter na ‘to. Please? Jebal? *puppy eyes* Kailangan ko lang po talaga. Salamaaaaat! Thanks for reading this chapter! Kamsahamnidaaa! Annyoooong! See ‘ya next chapter!! (^__________^)/~]
BINABASA MO ANG
"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"
Teen FictionThis story is all about the nerd who fell inlove with a bad boy. Isang nerd na natakot magmahal ulit. Pero sa hindi malamang dahilan, na-inlove ulit siya. Masaktan kaya ulit siya sa pangalawang pagkakataon or hindi? Malagpasan kaya niya ang mga prob...