**Chapter 49**
(Comforter to the rescue!)
Macy’s POV
“Oy! Taraaaa! Laro tayong tagu-taguan!!” sabi nung bata sa mga kalaro niya.
Nandito ako ngayon sa park. Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nakipag-break siya sa akin. At isang linggo na rin akong nagkukulong sa kwarto at umiiyak.
Parang hindi ata nauubos yung luha ko. Kahit na pagod na pagod na yung mata ko, ayaw parin tumigil sa pag-tulo.
“Yaaaaaaaaaaaaa! Wag niyo akong iwan!!!!” sabi nung bata habang hinahabol yung mga kalaro niya.
“Sabi ko na nga ba, nandito ka.”
Kilala ko kung kaninong boses yun.
“Gelo.” Bulong ko sabay tingin sa kanya.
“Hi ^________^” sabi niya sa akin.
“Hello.” Sabi ko naman sa kanya sabay ngiti ng mapait.
“Kumusta naman?”
“Maniniwala ka ba kung sasabihin kong okay?” tanong ko sa kanya.
“Hmmmm, di ko alam.” Sabi naman niya sabay upo dun sa swing sa tabi ko.
“Ano nga pala ginagawa mo dito?” tanong ko ulit sa kanya.
“Comforter to the rescue!” sabi niya with matching action pa na parang si superman na nakataas yung isang kamay na parang lilipad -___________-
“Pano mo nalaman na nandito ako?”
“Hmmm, malakas ang radar ko eh. Lalo na’t alam kong kailangan mo ako ngayon. Actually nagpunta ako sa bahay niyo, kaso sabi ng mga kuya mo lumabas ka daw. Kaya ayun, alam kong dito ka pupunta.” Sabi niya.
“So, ano bang nangyari?” dagdag niya.
And as usual, bigla nanaman akong napahagulgol ng iyak. Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang kamay ko para di niya makita na umiiyak ako.
“Shhhh. Tahan ka na.” sabi niya habang pinapat ang likod ko.
Tuloy tuloy lang ako sa pag-iyak. Naramdaman ko namang umalis siya sa pagkakaupo dun sa swing. Nagulat na lang ako ng biglang may magtanggal nung kamay ko na nakatakip sa mata ko.
Pagtingin ko, si Gelo na nakaluhod yung isang tuhod at yung isa naman ay pinapatungan nung braso niya. Gets? Sorry, wala kasi ako sa mood mag-describe ng kung ano ano ngayon.
“Shhhh, wag ka nang umiyak.” Sabi niya habang pinupunasan yung luha ko gamit yung hinlalaking daliri niya.
“Everything will be alright, okay?” sabi niya na nakatingin ng diretso sa mata ko.
Di ko alam pero mas lalo akong napaiyak at napayakap sa kanya. Siya naman ay niyakap rin ako tas pinapat yung likod ko.
“Gelo. Bakit ganun?” sabi ko na umiiyak.
“Shhhhhh.” Sabi niya habang pinapat parin ako sa likod.
Di ko alam kung gano katagal akong nakayakap sa kanya habang umiiyak.
“*sniff* Sorry Gelo ah. *sniff* Nabasa ko yung shirt mo. *sniff*” sabi ko sa kanya habang umaalis dun sa pagkakayakap ko sa kanya.
“Okay lang. atleast medyo nakatulong naman ata ako.” Sabi niya sabay ngiti.
“Pero hindi libre ang tulong ko noh.” Dagdag niya
“Eh? ( ‘______’)?”
“Tara sa mall :D Treat ko, saka tama nayang kakaiyak mo. Magsasaya tayo ngayon.” Sabi niya sabay kuha sa kamay ko at hinila ako.
“Uy! Wait!” sabi ko sa kanya.
Pero di niya ako pinapansin -____- Patuloy lang niya akong kinakaladkad.
“Uy! Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Sa Mall. Pero daan muna tayo sa bahay. Magpapalit lang ako ng shirt. Binasa mo eh >________>” sabi niya
“Hehe. Sorreh :O” sabi ko.
“Okay lang! tara dali! Na-eexcite na akong pumuntang mall!” sabi niya habang kinakaladkad parin ako -__________-
Bigla naman akong napangiti. Para kasi siyang bata. Sobrang thankful ako kasi nandiyan siya lagi pag kailangan ko siya. Bigla kong naalala yung sinabi niya kanina.
“Comforter to the rescue!”
Buti na lang siya ang naging comforter ko :’)
[A/N: AYO! Haha -______- Wala akong ma-say :O Hehe ^______^V sige po, maraming salamat sa pagbabasa :O]
BINABASA MO ANG
"I Fell Inlove With A Bad Boy [REVISING]"
Teen FictionThis story is all about the nerd who fell inlove with a bad boy. Isang nerd na natakot magmahal ulit. Pero sa hindi malamang dahilan, na-inlove ulit siya. Masaktan kaya ulit siya sa pangalawang pagkakataon or hindi? Malagpasan kaya niya ang mga prob...