Chapter 22
Trina's POV.
Eto, ngayon kasama ko si Joe. Ayoko kasing sumama kina Loreen eh, baka makita ko pa si Rica. Natatakot lang ako sakanya. Baka kung ano pa ang magawa niya sa akin.
Bigla namang nagvibrate yung phone ko, nakasilent kasi e.
May nagtext.. Si Loreen.
" Trina, salamat sa ginawa mo. Buti nalang hindi ka nagtiwala. Nasa ospital kami, naaksidente si Rica.. bomba ang laman nung regalong ipinabibigay niya sa akin. "
Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko, pero at the same time napangiti ako..
" Oh bakit nagulat ka yata dyan ? " tanong sa akin ni Joe.
*flashback*
Ngayon ay katabi ko si Chelsea, hinila kasi bigla ni Lance tong si Loreen kaya ngayon andun sila sa stage. Bigla ng tumugtog yung kanta at nagsayaw na sila.
Nang biglang tumunog yung phone ko, actually ang lakas nga e. Nakakahiya, kaya naman sinilent ko ito at binasa ko na rin yung text.
" Pumunta ka dito sa parking lot, may ipapabigay lang ako. Rica to. "
Nagulat ako sa nabasa ko, pero gusto kong pumunta dun kahit alam kong hindi dapat. Kasi malay ko ba kung ipakidnap ako ni Rica? O kaya naman baka may gagawin pala siyang masama?
Oo na, tanga ako. Pero ngayon ay napagdesisyunan kong pupunta nga ako dun.
" Chels, saglit lang ha. Pupunta lang ako ng CR. Dito ka lang, baka mawalan tayo ng pwesto. " pagpapaalam ko kay Chelsea.
" Hmm, sige ate. Bilisan mo ha. "
Pagdating ko ng parking lot, may nakita akong isang kotseng pula. May babaeng nakasakay dun na para bang bababa na mula sa kotse niya..
At ayon napansin kong si Rica nga ito. Medyo natakot na ako, kasi mukhang iba yung aura niya. Para bang mukha siyang mabait pero parang behind that may binabalak siyang masama. Hindi ako dapat nagpunta dito. Iyan nalang ang nasabi ko sa sarili ko .
Nagulat naman ako at may initsa siya sa aking box na may ribbon.
Hmm, para kanino naman to? At bakit siya magbibigay ng regalo?
" Para kay Loreen yan. Ibigay mo sakanya yan ha. " Ha?! Pero baka kung ano to? Malay ko ba kung may palaka sa luob diba?
" Peace offering yan. " at nginitian niya ako.
Sumakay na siya ng sasakyan niya at ako naman medyo naguguluhan na. Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan.
Naisipan ko na dapat hindi ko to tinanggap..
Dumaan ako sa front gate ng school namin at doon ako tumanaw. Nandun parin si Rica at mukhang may hinihintay. Di nagtagal bumaba siya ng kotse niya. Nang makalayo siya, lumapit ako sa kotse niya. Yumuko ako kasi baka may makakita sa akin.
Pinatong ko sa kotse niya yung box, pero naisipan kong makikita niya rin ito agad.
Sinubukan kong buksan yung pintuan ng kotse niya, at ayon bumukas ito.
Nilagay ko yung box sa ilalim ng upuan niya para hindi niya ito makita.
Pagkatapos kong gawin yon bumalik agad ako sa loob.
* end of flashback *
" At ang laman pala nung box na yon ay bomba.. Mas masahol pa sa iniisip ko na palaka ang laman nun o kaya naman ipis.. At ngayon, nasa ospital si Rica. "
" What?! Nagawa ni Rica yon? Grabe na talaga ang kasamaan niya. "
" Buti na rin sakanya yong napala niya. Sana matuto na siya. " sabi ko nalang.
" Hays, buti nalang at di ko na sinunod si Rica sa mga pinapagawa niya sa akin noon. "
" Asus, pero sabihin mo nagpauto ka pa rin kay Rica! "
" Trina naman eh, tapos na yon. " reklamo niya.
Chelsea's POV.
Napagdesisyunan kong umuwi nalang muna ako, tinext ko na yung driver namin para magpasundo. Sila Kuya Lance at Ate Loreen naman sasabay na rin sa akin. Siguro ayaw na rin nilang magstay pa dun dahil sa mga nangyari kanina. Alam ko rin naman na inis sila at galit rin sila. Oo, ako galit rin ako.. Magmula noon pa. Ilang taon na rin pala akong galit sa Ate Rica ko. Pero ngayon, mas lalo pang nadagdagan yung galit ko sakanya.
Maya maya e, dumating na kami sa may bahay nila Ate Loreen. Bumaba na rin sila.
" Mag ingat kayo Chelsea ah, " sabi ni kuya.
" Chels, Ingat! " sabi naman ni Ate.
" Sige. Kayo rin magpahinga nalang kayo ha.. " sabi ko sa kanila.
Alam kong nastress sila sa mga nangyari eh. Ako rin naman. Kaya nga umuwi nalang ako diba. Ayoko na dun, ayoko nang makita yung ate ko.
Yung ate ko na nagpahirap sa akin for 3 years.. Hindi naman siya ganun dati eh. Nung 1st year highschool ako, mabait pa naman siya sa akin. Tinutulungan niya ako sa mga assignments ko, pinagtatanggol niya ako sa mga kaaway ko.Pero nung nag2nd year na ako? Wala na, ni hindi manlang niya ako mangitian. O kaya naman, lagi siyang pumapasok sa kwarto ko hihingi siya ng pera. O kaya naman basta basta niyang kukuhanin yung mga gamit ko dun. Sinabihan pa niya ako ng walang kwentang babae, kasi hindi ko daw makuhang ipaglaban yung taong gusto ko. Ang point ko lang naman kasi, oo gusto ko yong taon yon.. Pero bata pa naman kasi ako at marami pa akong makikilala. Choice ko na rin namang maging ganito.
Nasabi sa akin ni Ate Loreen na noon 3rd year HS sila, nagsimula na magbago si Ate Rica. Hanggang sa mag4th year na sila. Nung grumaduate sila , umalis muna si Ate Rica. Nung bumalik siya, mas lalong lumala yung ugali niya. Naririnig ko pang may kausap siya na lalaki tas tumatawa tawa pa siya na parang nababaliw. Magmula nun, sobrang takot ang naramdaman ko. Hindi ko na siya kilala nun.
Sa dinami rami ng iniisip ko.. bumigat yung pakiramdam ko at di ko namalayang nakatulog na pala ako..
Loreen's POV.
Pagdating namin ng bahay, tumahimik lang ako. Ayoko kasing magsalita, baka kung ano pa lumabas sa bibig ko.
Nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Lance.
"Buti nalang ligtas ka. " sabi niya sa akin habang yakap niya ako.
" Oo kasi, kung hindi ako ligtas baka pati kayo nasa ospital ngayon. " Well totoo naman kasi yung sinasabi ko.
Hindi ko lang talaga maintindihan si Rica. Bakit kasi ganon? Lahat naman kasi ng tao nasasaktan eh. Lahat naman tayo may nararamdaman na sakit, lahat tayo may problema. Pero bakit iba ang epekto sakanya nung SAKIT na yon? Yung sakit na makukuha mong manakit ng ibang tao dahil lang nasaktan ka. May mga tao naman na mas pinili na lang masaktan mag isa kaysa manakit pa ng iba. MAY MGA TAO NAMAN KASI NA NASAKTAN, PERO TINANGGAP NILA IN A WAY NA TITIGIL NA LANG SILA. Pero bakit siya, mas pinili niya pang magpatuloy?
BAKIT LAGI NIYA NA LANG AKONG SINASAKTAN AT GINAGAMIT?
----------------------------
