Loreen's POV.
" Dapat magpakilala ka na sa tunay mong magulang. "
" Para saan pa? "
" She need to know that you're alive! "
" Matapos niya kong sampalin, huh! "
" Lance! Stop being childish. "
" Nagsalita ang mas matanda at hindi childish. "
" Tss, bahala ka nga dyan. "
Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.
" Sssh, oo na. Oo na! Pupuntahan ko na siya! "
" Good! "
Nandito kami ngayon sa bahay sa sala. Nakaupo lang at ayon nag-uusap tungkol sa mga bagay bagay. Pinipilit niya kasi ako puntahan yung totoo kong ina. Hay, bahala na.
Ayoko pumunta sa pamamahay ng babaeng yun.
May klase pa nga pala kami mamaya, sana nandun yung babaeng yun sa univ. 10 am pa naman ang klase ko at 9 ang kay Loreen. Sabi ko sakanya ay sabay na kami pumasok.
Nung mga 8am na paalis na kami, hinawakan ko yung kamay niya't napatingin lang siya sakin.
" Ehh? "
" Oh bakit? "
" Ah wala, yung kamay ko. "
" Tss, wag ka na umangal. Ako lang pwede humawak dyan! "
" Sira. "
Nung pumasok kami sa campus, pinagtitinginan kami ng mga tao. Siguro nagtataka sila kung bakit parang ang sweet sweet namin eh magkapatid naman kami.. Sus, paki ba nila!
" Pinagtitinginan tayo ee! " sinubukan niyang tanggalin yung kamay niya pero hinigpitan ko pa ang hawak.
" Wala silang pakialam, inggit lang sila"
" Hay nako, bahala ka na nga! Papasok na ko sa room ko. "
" Oy maaga pa! "
" Eh, may gagawin lang akong school works. " takbo niya.
Yong babaeng yun talaga oh, kung makaasta parang magkapatid LANG kami.
Nakita ko bigla yung nanay ni Rica, nilapitan ko nalang siya.
" Excuse me mam? "
" Oh bakit?! "
" I think this is yours.. " pinakita ko sakanya yung hikaw na hawak ko, tiningnan ko yung pendant niya. Magkatugma nga talaga.
" W-where did you find t-this? "
" I think nawala mo yan ng iniwan mo ko sa isang bahay kasagsagan ng isang masamang panahon.. " I let her hold the earring, at tumalikod na ako.
" A-anak? "
napatingin lang ako sakanya.
" S-sorry! "
" Sorry? Aanhin ko yang sorry mo? Yang kaperwisyuhang dinulot sa akin ng anak mo samin ng kapatid ko! Pati ikaw! Matapos mo kong iwan! "
" Kapatid mo si Rica.. Hindi ko sinasadya, Lance.. "
" Hindi sinasadyang iwan ako!? "