Chapter 18
Lance's POV.
" She's the girl I love, hindi niya yata narinig eh. Pero totoo yon, at matagal ko ng sinasabi sakanya. Kahit noong bawal pa, pero ngayon hindi na.. " nginitian ko siya.
At halata naman sa mukha niya ang kaba at saya. Syempre, iharap ko ba naman siya sa maraming tao diba? Hahaha. Pero eto talaga ang plano ko, ang iharap at ipakita sa lahat ng tao na itong babaeng katabi ko ang mahal ko.
Kanina kasi eto yung buong sinabi ko nung inintroduce ko si Loreen, hindi kasi siya nakikinig at nakikipagdaldalan lang siya sa kapatid ko.
Ipapakilala ko po mismo sa inyo ang dati kong kapatid na si Loreen. Kailan lang namin nalaman na hindi kami tunay na magkapatid, oo nalungkot kami pero blessing in disguise pala to. Mahal ko siya magmula noon, hindi lang bilang magkapatid.. Pero higit pa doon.
Eh ayon, hindi siya nakikinig kaya naman wala siyang naintindihan sa pinagsasasabi ko.
Tapos na at ayon hinatid ko naman siya sa upuan nila, sinundo ko siya tapos hindi ko siya ihahatid? Haha.
" Tss baliw ka talaga kahit kailan! Hindi mo alam kung gaano ko kinabahan gusto ko na ngang tumakbo kanina ee! " nagsalita na rin siya sa wakas.
" Mas nakakahiya kung tumakbo ka nuh! "
" Kaya nga! Kaya hindi nalang ako tumakbo! "
Umupo na siya at ako naman bumalik pa sa may backstage. Manunuod pa sila, mahaba pa to. Syempre hihintayin pa kung sino yung mananalo.
Loreen's POV.
" Haba ng hair mo te! "
" Ou nga ate, kung alam mo lang grabe yung tilian! "
" Hahaha syempre naman chels dinig niya yon! "
" Nako ate Trina, for sure hindi niya yon dinig. "
" Hala? Bakit? Bingi na ba tong si LJ ? "
" Oo ate, ganon daw kasi yon eh. Hahaha. Di na niya maririnig yung sinasabi ng ibang tao lalo na kapag katabi niya yung mahal niya. "
" HAHAHAHA! Ou nga naman. " at nag appear pa yung dalawa -____-
Nasa state of shock pa ako tas gaganyanin nila ako. potek.
" Hoy ate! Natulala ka na nga? "
" Bingi na yan! HAHAHA! "
" Para kayong adik! " sabi ko sakanila.
" Ows? Kami ba ang adik ^___^ "
" Oo kayong dalawa ang adik! Magsitigil nga kayo! " HAHA at natawa nalang rin ako..
" Kiligs si ate. Galing talaga ni kuya Lance ^___^ " Proud na proud pa to sa Kuya niya.
Si Trina katabi ko, at bumubulong sa akin.
" Insan, sasabihin mo ba na EX mo si Clarent? " Ay ou nga pala no!
" Ou naman insan! " yan nalang sinabi ko. Nilakasan ko para hindi magduda si Chels na nagbubulungan kami ni Trina.
Sasabihin ko naman talaga eh, pero baka bukas nalang. O kaya naman sa susunod nalang pag nagkita kami ulet..
" Ahm... Ate? Ano nga pala ulit yung sasabihin mo dapat sa akin kanina? " Awww, akala ko nakalimutan na niya. Tsk. sasabihin ko pa ba? -______-
