Chapter 21
Lance's POV.
" Sorry, Loreen. " biglang nagsalita si Rica.
Napatingin ako kay Loreen, mukha lang siyang tulala. Parang magsasalita na sana siya, pero hindi niya itinuloy..
At bakit siya nag sosorry kay Loreen? Dahil ba sa mga ginawa niya magmula noon?
" Siguro kung hindi ko yon ginawa, baka masayang masaya ako ngayon... Baka hindi to nangyari sakin ngayon. Kung tinanggap ko lang sana ang lahat.. "
Anong sinasabi niya? Na may binabalak pa lang siyang gawing masama, pero siya ang kinarma?! Ganun ba?
" Ano ang ibig mong sabihin?! " Di na ako nakapagpigil, at oo nagsalita na ako..
" Sssh, Lance.. " sabi ni Loreen.
" Mapatawad niyo rin sana ako Lance. Tanggap ko nang kapatid kita. "
" Ang tagal na, pero ngayon mo lang natanggap?! " halos sumigaw na ako..
Nilapitan ako ni Mama, para awatin ako..
" Anak, huwag naman kayong mag away.. Di pa siya ayos.. "
" Paanong hindi..? Alam niyo ba yong pinaggagawa ng anak niyo magmula noon? "
Naiinis na ako. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Nandyan rin yung Tatay ko. Siguro alam na nilang lahat. At kami lang ni Loreen ang hindi.
Napatingin ako kay Chelsea, at ang lungkot ng alam niya.. May alam siguro siya.
" Ano?! May alam kayo? Pinagmumukha niyo lang naman kaming tanga dito eh! "
"Pu-pumunta ako kanina sa contest... Nagalit ako sa ginawa mo.. Pinamukha mo pa sa akin na wala kang paki sa akin.. Gustong gusto kong gumanti.. May binigay a-akong regalo kay Trina.. sabi ko ibigay kay Loreen. Akala ko tinanggap niya. Pero nilagay pala niya sa likod ng sasakyan ko.. Ang laman nun ay bo-bomba. " nangangatog na siya sa mga pinagsasabi niya.
" Buti nalang! Buti nalang at hindi mapagtiwala yung pinsan ko! Alam naman kasi niya na ganyan ang ugali mo! At ang isang taong gaya mo? Hindi katiwa-tiwala! " Di na nakapagpigil si Loreen magsalita at lumabas na siya.
Inunahan niya lang ako magsalita. Pati si Chelsea lumabas na at sinamahan siya.
" Sige nga po, Ma. Paano ko iintindihin yang kapatid kong sinasabi niyo? Kung ganyan ang asal niya?! Hinding hindi ko siya ituturing na kapatid! " lumabas na rin ako dun at narinig kong lalong umiyak si Rica.
Wala na akong pakielam kung kritikal ang kalagayan niya. Kasalanan rin naman niya yan eh. Katangahan at kasamaan niya yan. Yan ang karma niya, wala na kaming magagawa dun. Eh kung naibigay kay Loreen yon eh baka lahat pa kami napahamak diba? Buti na lang, walang nangyaring masama....
Sinundan ko sila Chelsea, pero mukhang napagdesisyunan kong hindi na lang magpakita muna sa kanila. Nakaupo sila sa upuan sa labas ng ospital, pinagmamasdan ko lang sila.
Nihindi man lang umiyak si Loreen, siguro galit lang talaga siya. Si Chelsea naman ay umiiyak.
Loreen's POV.
Di ko na napigilan at lumabas na ako dun sa kwartong yon! Ang kapal kapal ng mukha niya! Buti nalang talaga, kaya pala siguro tahimik si Trina kanina? Kaya pala ang weird niya, akala ko dahil lang kay Joe. Pero dahil pala dun sa regalo na yon.
Tinext ko si Trina, gusto ko talagang magpasalamat. Kahit kailan, maaasahan siyang pinsan at kaibigan.
" Trina, salamat sa ginawa mo. Buti nalang hindi ka nagtiwala. Nasa ospital kami, naaksidente si Rica.. bomba ang laman nung regalong ipinabibigay niya sa akin. " yan ang saktong text ko sakanya.
Pagtingin ko sa likod ko nandun si Chelsea. Buti naman at may makakausap ako. Mukhang wala rin siyang tiwala sa ate niya, at mas pinipili pa niya ang ibang tao kaysa sarili niyang kapatid. Kahit naman si Lance eh, una palang ayaw na niya dun sa babae na yon. Kahit ba nalaman niyang kapatid niya pala ito.
Umupo na lang kami ni Chelsea dun sa upuan sa labas ng ospital. Ayoko namang magstay kami dun sa luob.
" Ate.. bakit ganon si ate Rica? Bat ansama sama niya? " umiiyak na si Chelsea.
Naiintindihan ko naman siya. Kapatid pa rin naman niya si Rica.
" Bakit ganun, di ko talaga siya maintindihan... "
" Hindi ko rin siya maintindihan, Chelsea. "
I admit na galit ako.. pero nagpapasalamat pa rin naman ako, kasi walang nangyari sa akin, sa amin. Kung sumabog yun, malamang maraming taong nadamay. Yung mga mahal ko sa buhay..
" I really hate her, ate.. Buti nalang nandyan ka lagi.. " niyakap niya ako.
Natouch ako sa sinabi niya. I never knew na maappreciate niya rin pala ako.
" She's so rude.. Paano niya nagawa yon? Papatay siya ng tao para lang sa taong mahal niya?! She told me that I'm weak, kasi di ko man lang magawang ipaglaban yung taong gusto ko.. Pero ngayon narealize ko na hindi ako weak. Siya yung mahina.. Mahina para tanggapin ang katotohanan..."
" One day, maiintindihan rin natin siya. Pero ngayon, mas pipiliin kong huwag muna siyang intindihin. Sana maging lesson sa kanya yung mga nangyari ngayon. "
Mapapatawad ko rin siya.. Pero kahit na mapatawad ko siya, kailanman... Di ko na siya pagkakatiwalaan.
-------------