Trina's POV.
" Joe? "
" Trina! Matagal na kitang hinahanap ah.. "
" Matagal ? Sino hanap mo dito? "
" Si Loreen. "
" Ah? Magkaanu ano kayo? " =___=
" Magkaibigan? "
" Baka nililigawan! " -pabulong kong sabi.
" Huh? "
" Wala. Sige una na ko. " -maglalakad na sana ako nang bigla niyang hinablot yung isang kamay ko.
" Teka Trina.. Mahal pa rin kita. "
" Niloloko mo ba 'ko? Yung pinsan ko ang mahal mo diba? Sinabi mo sakanya! Tas ano to ngayon? " -tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko.
" May nagutos lang sakin na gawin yon, Trina.. "
" Ewan ko sayo! " -tumakbo na ko
LJ's POV.
Pagkagising ko, wala na si Trina. Hay ang aga talaga nun magising! 10am na pala. Pupunta nga pala ako ng mall, may bibilhin lang ako sa Bookstore.
Paglabas ko si Joe ang nakita ko. Mukha siyang balisa at malalim ang iniisip?
" Joe? Anong ginagawa mo dito? "
" Balak ko lang sanang kumustahin ka. "
" Ah ganon ba? Okay lang ako Joe. "
" Oh sige. Aalis na ako. "
Mukha siyang may tinatago. Hindi ko alam kung ano pero bahala na siya. Kumain na muna ako ng breakfast, may mamon sa ref ayon kinain ko nalang yun. Mukhang wala naman si Lance, lagi nalang siyang wala. Nakalimutan na niya sigurong may kasama siya sa bahay. =__=
Mag isa lang akong pumunta ng Mall,sa bookstore lang naman ako eh. Bibili lang ako ng ilang books, ang tagal ko na rin kasing hindi nakakabili. Nakakamiss na.
Bibili sana ako sa KFC, kaso mukhang hindi ko na kayang bumili pa dun..
Nakita ko lang naman ang pinakamamahal kong si Lance na kasama ang traydor kong bestfriend noon. Mukhang masayang masaya sila ah? Lalo na siguro tong si Rica, kasi nakuha na niya yung gusto niya!
Di ko na kinaya at tumulo na yung luha ko. Naglakad nalang ako pauwi, tutal malapit lang naman ang mall sa bahay namin. Nakaramdam ako na may sumusunod sa akin kaya natakot na ako. Pagtingin ko sa likod ko, si Joe lang pala.
Lumapit ako sakanya.
" Joe.. "
" Loreen!? Bakit ka umiiyak..? "
" Joe... Nakakainis sila! Nakakainis si Rica! "
Natahimik siya.
" Bakit ka natahimik? "
" Ha? Wa-wala! "
" May tinatago ka ba? "
" Loreen sorry.. "
" Sorry saan!? "
" Kinausap ako ni Rica, na sabihing mahal pa rin kita at inlove ako sayo. Oo ako yung secret admirer mo noon pero hindi na talaga kita mahal.. "