Chapter 11

70 1 0
                                    

Chapter 11 

LJ's POV.

" So anong balak mo? " -tanong ni Trina habang kumakain kami.

" Ewan ko. Wala na kong pakialam. "

" Ows! Dito ka na muna matulog. "

" Sige. "

Di ko pa rin alam ang gagawin ko eh. Sa ngayon naman hindi pa ako masyadung nasasaktan. Kahit alam kong niloko lang nila ako. Niloko lang ako ni Joe. Niloko ako ni Lance. Lahat sila niloko ako. .

Nagpalipas ako ng magdamag dito kina Trina. Pagkagising ko ng umaga nag-ayos muna ko at ayon umuwi ako samin.

Pagpasok ko nakita ko lang naman si Rica sa loob ng bahay namin. 

Tas bigla lumabas si Lance mula sa kitchen. Di ko sila pinansin at pumunta nalang ako sa kwarto ko.

" Loreen! Ano bang problema mo?! May bisita tayo di mo ba siya babatiin? "

Di na lang rin ako nagsalita. Kukuha lang naman ako ng damit, di na ako dito matutulog sa bwisit na pamamahay na to! Tutal wala naman ang nanay namin ngayong linggong to.

Habang kumukuha ako ng damit may biglang humawak sakin.

" Anong ginagawa mo dito!? "

" Wala.. May sasabihin lang ako. "

" Ano! "

" Alam mo ba boto ang pamilya ko kay Lance para sakin.."

" Then? "

" Hmm magpapakasal kami after niyang grumaduate. "

" Sus umasa ka pa. " -pabulong kong sabi 

" What? "

" Sabi ko, congrats! Sana matuloy yang pangarap mo! "

" What do you mean ? You're just jealous, right?"

" Eto pakakatandaan mo Rica ha, alam kong ginamit mo lang si Joe! Kaya ilang araw lang e malalaman na rin naman ni Lance lahat ng ginagawa mo, lahat rin ng ginawa mo sakin noon. " -tas lumabas na ko ng kwarto ko. Naiwan siya sa luob kaya naman binalikan ko siya.

" Hoy lumabas ka nga dyan baka kung ano pa nakawin mo dyan! " -nagsisigaw si Rica. Pero di ko siya pinansin. 

Umalis na ko ng bahay. Buti walang Lance na rumescue sakanya. Well bahala siya sa buhay niya. I have so many things to do in my life. 

Bumalik ako sa bahay nila Trina.

" Hoy te! Di ka manlang nagpaalam. Bakit busangot itsura mo? "

" Andun si Rica sa bahay. "

" Oh!??! Baka kung ano gawin nila dun! "

" Gaga! Subukan lang niya ipapasalvage ko silang lahat! "

Kwinento ko rin sakanya yung sinasabi ni Rica, tungkol sa kasal something?

Sus. Yeah I admit na nasaktan ako, gusto kong umiyak sa harap niya. Pero para ano? Para matuwa siya kasi nasasaktan ako? No way! Matapang akong tao. Siya nga yung nakapagpatapang sakin eh, si Rica.

Reaksyon ni Trina? Parang natahimik lang. 

" Loreen? "

" Oh ? "

" Pakinggan mo to " -kinuha niya ang phone niya at may plinay siya. 

" Paano mo narecord yan?! "

" Kagabi kasi sinundan ko si Joe sa labas, nakita kong kausap niya si Rica. Kaya nirecord ko. "

" Nice catch. Sige, ingatan mo yan. Wait? Kilala mo si Joe? "

" Yeah diba kinukwento mo siya sakin. "

" No.. Not that, I can feel something!"

" Oh okay, childhood friend? "

" Friend lang daw? Di ako naniniwala."

" Eh di wag. "

" Affected! Hahaha " 

--

Dalawang linggo na rin ang lumipas. Di ko nalang pinapansin Lance, umuwi na rin ako sa bahay namin pero kahapon lang yun.

Nagconcentrate ako sa pagkanta at pagdrums ko, balak ko nga sana sumali sa banda ni Trina kaso nga lang wala pa daw slot. Kaya ayon, practice nalang muna. Di na ko masyado nagsasayaw ng ballroom dahil galit ako kay Lance.

Nga pala, di ko ba nasabi na nakwento ko na kay Trina lahat lahat ng ginawa sakin ni Rica, including the kidnap? Well nasabi ko na kay Trina lahat. Lalo nga siyang nainis eh. May plano na rin kami ni Trina kung paano irereveal ang mga kasamaan ni Rica. Kasabwat rin namin si Joe. 

*meow..meow* 

From : Trina

Okay na ang plano. Wala ka na dapat alalahanin. Nga pala, may problema kami. May sakit si Ate Chey, walang magdadrums. Pwede ka? 

To : Trina 

Nice one. Oh? Sure pwede. Kailan ba?

From : Trina

Sa Thursday, sa stage 2 ng campus near the Math building. 

To : Trina

Sige, tell me kung kailan practice.

So ayon, buti naman at makakapasok na ako sa banda ni Trina. Kahit temporary lang, okay na to. 

From : Trina

I have one more plan, I'll text it to you later.

Ano na naman kaya naiisip nitong babaeng to? Hmmm. Banda? Nice nagets ko yung plano niya. Rica, get ready sa 18th birthday mo. This will be my coolest gift for you. 

Nagring bigla yung phone ko.

Calling : Joe

( Loreen! )

Bakit ?

( Clear na ang plan, buti pumayag mga tita ko. Yari daw kapag nademanda sila hayy nakakainis dami pa niyang sinabi. )

Demanda? Sus, si Rica papademanda ko eh! 

( Easy ka lang, eto kasama ko si Trina. )

Kainis kayo di niyo ko inaya!

( Eh sorry naman nagdate kami. )

Tas narinig ko si Trina na sumisigaw at sabi.. "Hoy! Anong date? Kapal mo! "

Ayiee nagkakadevelopan. 

( Talaga! Mahal ko to e, o sige Loreen bye bye. )

Bye! Thanks ah! Pasabi na rin kay pinsan.

( Sure. )

*call ended*

Nagkakamabutihan na ang dalawa ah. Mabuti pa sila, paano na kaya ang lovelife ko? Kung bawal naman talaga tong pinaglalaban at nararamdaman ko?

Dancing is the Key ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon