Chapter 23 D&L
Loreen's POV.
Ilang araw na rin ang lumipas magmula nung contest at insidente sa ospital.
Naudlot yung paglipat ni Lance sa bahay nila Chelsea dahil sa mga nangyari. Sino nga ba naman kasi ang gugustuhin tumira aa isang bubong kasama si Rica? Oo na, mainit ang dugo ko sa kanya. Galit at awa ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero tanggalin muna natin yang inis na yan.
" Tara na? " tanong ni Lance sa akin.
" Sure! " sabi ko naman.
Kinakabahan kasi ako e, ito yung unang pagkakataon na lalabas kami bilang lovers at hindi bilang magkapatid..
" Huwag kang kabahan.. " sabi niya, tapos biglang niyang hinawakan yung kamay ko.
" Huh! Hindi ah.. " sabi ko na lang.
" Anong hindi? Eh ang lamig ng kamay mo.. "
Hala! >3<
" Hahaha, namumula ka. " nangasar pa! Kainis!!
" Huwag ka na kasing mahiya e. "
" Eh kasi.. " Hindi ko alam sasabihin ko.
Nandito pa kami sa labas ng bahay namin. Hinihintay yung kotse ni Lance.
Ayos diba?
Bigay yan sakanya ni Momi niya. Susyal ang lolo niyo! Buti sanay siya magdrive, tiburuan siya ni Papa nuon e.
" Ayan na yata! " sabi ni Lance.
" Oo nga yata, kasama si Chelsea oh. " Nagulat ako nasa loob si Chels.
" Yow ate, kuya! Don't worry di ako sasama sa date niyo. May lakad rin naman ako nu! " baliw talaga. Binelatan pa kami.
" Sino naman ang kasama?" Naks, kumukuya na si Lance
" Friends. hehe. "
" Sure? " pag uusisa ni Lance.
" Yes kuya! I will show some pics to you after! "
" No need! Tiwala ako syo. "
" Wow, naks naman si Kuya. Sige baka malate pa kayo nyan sa date niyo e! "
Niyakap niya si Lance tas bineso beso ako.
" Ingat! "
" Ikaw rin! " sabi ko.
Dumaan sa kabila si Lance..
W-what?! Ano gagawin niya dun? Huwag niyang sabihin....
AKO ang MAGDADRIVE?!?
Hindi ako sanay! Uwaaaaaaa
Then nagulat ako, pinagbuas lang pala niya ako ng pinto.
Oh Ghad.. Is this really happening?! Totoo ba ito?
" Sakay na. Huwag ka ng tumulala. " tas nginitian pa ako ng nakakaloko.
" Che! " ehh? Ganun ba kasi yon? kailangan nagpapakilig
Sasakay na sana ako nang bigla pang may sumigaw.
Napatingin kami ni Lance.
" Si ate kinikilig ooh! " tas tumawa pa ng nakakaloko si Chelsea.
