Loreen's
Pagkagising ko si Mama nasa bahay na, nagtext siya na uuwi siya eh. Tumapat ako sa may pinto niya, at naririnig kong sumisigaw siya.. Sumisigaw? Bakit kaya. Bubuksan ko na sana ang pinto pero may narinig ako..
" Ayoko! Baka bumalik siya sa tunay niyang magulang at iwan tayo.. "
HUH? What?
Nilapit ko pa ang tenga ko.
" Mahal ko si Lance, anak ko siya! Ayokong sabihing ampon lang siya.. "
Pumasok ako agad sa kwarto ko habang tumutulo ang mga luha ko..
Kaya pala mahal ko si Lance, kaya pala minahal ko siya kasi hindi naman pala kami talaga magkadugo.
Lance's POV.
Pumasok lang ako sa univ kasi may klase kami. Saglit lang naman, at etong Rica parehas kami ng course kaya may pasok rin siya. Kaya ito hinahabol-habol ako, errr that girl. I hate her.
" Lance naman! "
" Lance! Talk to me! "
" No, I won't " tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. " Now go, " at tinakbuhan ko na siya
Fck it! Di pa ba nya ko titigilan? Habol ng habol parang aso. Arggh nakakairita!
" Lance!!! Arghhh! "
Nihindi ko siya tinanaw, hay bahala siya sa buhay niya. Isang dakilang gago lang talaga ko kaya naniwala ako sa babaeng gaya niya!
*ring!!! *
" Lance, pinapatawag ka ni Mrs. Gallego! " Misis Gallego? Gallego? Teka apelyido ni Rica yon ah. Nanay ni Rica?
" Bakit daw? " sabi ko
" Nasa labas siya, hinihintay ka. "
Lumabas na ako.
"Yes mam? " magaling kong sabi.
" Thanks for hurting my daughter! " wow! Ako pa ang nanakit? Oh nice.
" She deserved that.. "
* PAK ! *
" Wala kang galang! "
" I don't deserve that slap Ma'am. " talking to her as if she's my teacher..
" Yong anak niyo PO ang nanloko sakin, but I don't even love her so I left her. Those things are non-sense. Kayo rin, non-sense PO kayo. Sana alamin niyo muna ang ginawa ng anak niyo sa akin at sa kapatid ko bago PO kayo sumugod dito! " emphasizing the word PO.
" Walangyang bata ka! " sasampalin niya pa sana ako, pero nahawakan ko ang kamay niya. Napatingin ako sa pendant ng kwintas niya, hikaw? Ah siguro nawala yung isa.
Hay salamat, tapos na rin. Umuwi ako agad pagkatapos ng skandalong yon, kailangan kong maabutan si Loreen.
Paguwi ko, aba natutulog siya sa sofa..
Bukas ang TV at maraming wrappers ng chips at kung anu ano pa. Aba? Anong problema neto?
" La-lance... " huh? Tulog siya ah?
" Ssssh " sabi ko nalang, sleep talk ba tawag dito? Argh ewan.
" Masaya ko.. pwede na kitang mahalin... "
Pwede?
May sasabihin pa sana si Loreen pero bigla ako tinawag ni Mama, mula sa kwarto niya ang boses niya eh.
Pero muling nagsalita si Loreen.
" Hindi tayo totoong magkapatid... "
Huh?! Nananaginip ba sya? O ano?
Tumayo ako't mabilis ako na nagpunta sa kwarto ni Mama.. Mama nga ba?
Pero pagtingin ko nasa may hagdan na siya, at tumutulo ang luha..
Totoo ba?
Nabiyak bigla ang puso ko..
Pero paano? Paanong hindi talaga kami magkapatid ni Loreen?
" Lance. Lilinawin ko syo ang lahat.."
" Para ano pa? ! "
" Kailangan mong malaman ang lahat ng to.. "
" Lance, bumabagyo noong araw na yon.. May nag-iwan sayo sa labas ng bahay namin. Nakita ko pa siya at hinabol ko siya.. Kaso hindi ko kinakaya dahil nakasasakyan sila. "
" eto, yung naiwan ng babae. Naniniwala akong siya ang nanay mo. "
Inabot niya sa akin yung hikaw..
Teka? Hikaw?! Tiningnan ko ito mabuti at may nagflashback sa utak ko..
*flashback*
" Walangyang bata ka! " sasampalin niya pa sana ako, pero nahawakan ko ang kamay niya. Napatingin ako sa pendant ng kwintas niya, hikaw? Ah siguro nawala yung isa.
*end of flashback*
Hindi maaari! Malay ko ba kung magkaparehas lang diba?!
" Pati na rin yung plate # nung sasakyan, alam ko pa. CTE 335. Pero hindi ko alam kung yan pa rin ang sasakyan nila, 18 na taon na ang nakalipas.. "
Hindi nalang ako makapagsalita. Hindi ako dapat magalit kay Mama..
" Salamat po. "
" Salamat? Hindi ka galit.. "
" Wala akong dapat ikagalit sainyo, pero sa mga tunay na magulang ko mayroon. . nagpapasalamat rin po ako, pwede ko nang mahalin si Loreen. "
Loreen's Pov.
"Hmmm.. "
Sarap ng tulog ko ah, dali-dali akong tumayo at inayos ko yong mga pinagkainan ko. Kaso ang gara ng panaginip ko..
Naalala ko pa, pero ang gara. Parang makatotohanan yung sinasabi ko..
/Dream/
Nakita kong magkasama si Rica at Lance. Nung umalis si Rica dali-dali akong pumunta kay Lance.
" La-lance!" umiiyak daw ako..
" Sssh. " pinapatahan naman niya ko.
" Masaya ko.. pwede na kitang mahalin. " pilit akong ngumiti.
" Pwede? "
" Hindi tayo totoong magkapatid.. "
end.
Yon lang ang naalala ko, nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Lance. Anong meron? Napatingin ako kay Mama at mukhang umiyak siya. Pinapalayas na ba ni Mama si Lance?! Hala. Di pwede yonn..
" Loreen, mahal kita. Tama ang sinabi mo, pwede na rin kitang mahalin. "
" Ha? "
" Alam na niya ang totoo, ikaw yata hindi mo pa alam. " Mama
" Alam niya, ma. Siya ang nagsabi sakin. "
" Ha? Pero paano kakagising ko lang! "
" Nagsasalita ka habang natutulog. "
>/////<
" Oh?! Na-narinig mo?! "
" Oo naman." ngisi niya
" Tsss!!! "
