Chapter 18

19 0 0
                                    

Chapter 18

Loreen's POV.

" Oh ready ka na ba? " tanong ko kay Lance 

" Naman, ready na ko nu! Dun ka umupo sa tabi ni Trina at Chelsea ha. " sagot naman niya.

" Ou na! di ako aalis dun nuh, syempre gusto kitang panuorin. " sabi ko naman sa kanya.

" Guys! ready na ba kayo? magsisimula tayo in 5 minutes. " sabi nung coordinator.

" oh sige, malapit na pala magsimula. Pupunta na ako dun. " pero syempre bago yun hinalikan ko siya sa cheeks lang naman *_* " pampaswerte! "

Natawa nalang ang loko at ayon lumabas na ako sa backstage. Umupo na ako sa tabi ni Trina at Chelsea.

" Ate Loreen, pang ilan si kuya? " tanong sa akin ni Chelsea.

" # 3 siya. "

Ayon at nanuod na lang kami.

Nagsimula na at nagpapakilala na yung mga contestants. At ayon # 3 na!

" Good evening! I'm Lance Jomarri Manansalas from the CE Department. 3rd year college " palakpakan yung tao, lalo na yung mga kadept. ni Lance. Hahah, at gulat ba kayo na Manansalas na ang apelyido niya? Napapalitan na ng totoong magulang niya eh. Masaya ako para sa kanya.

" Hoy Trina, ang tahimik mo "

" Anu ka ba ate, syempre inaabangan niya yung BF nya" sabi naman netong si Chelsea. ngumiti lang si Trina.

" Kasali si Joe?! "

" Oo naman, gwapo rin naman si Joe ah! " ang tahimik talaga niya, occupied ang utak.

Tas bigla..

" I am Joe Villegas from PS Department, 4th year college "

Tas nasa #12 na, si Joe pang #8 naman yun.

Maya maya kinalabit na ko ni Chelsea,

" Ate.. yun yung lalaking iniiyakan ko palagi. "

Napatingin ako sa tinuro niya.

" I'm Clarent Versosa from nursing department, 1st year college" sabay ngiti

 nagulat ako.. Kasi kilala ko yong lalaki na yon.

Si Clarent.

Paano ko ba siya hindi makakalimutan?

Eh yan yung EX kong sira ulo! Yong nakita namin sa 7 eleven na may kaholding hands, at nakatikim ng sapak ni Lance. Tsss. Ano bayan. Paano ko sasabihin kay Chels? 

" Siya yun? Akala ko kaedad mo siya. "  bahala na nga.

" Hindi e, mas matanda siya sa akin ng 2 years. Nag aaral siya dati sa school na pinapasukan ko. "

" Kaya pala! Anu bang ginawa niya sayo nuon? "

" 1st year highschool lang ako nung nahilig ako kumanta, inaya ako ng friend ko sa higher year na sumali sa band nila. Guitarist si Clarent, tas ayon dun ko siya naging kaclose. Nahulog ako sa kanya, pero nalaman ko na girlfriend pala niya yung friend ko na nag aya sa akin kumanta sa banda.. Hindi ko sinukuan si Clarent pero ayon nagalit sa akin yung friend ko.. " nagulat ako sa nalaman ko, ganoon pala ang nangyari..

Dancing is the Key ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon