Chapter 20

12 0 0
                                    

Chapter 20

Loreen's POV.  

Katabi ko si Lance ngayon na ngingiti ngiti sa tabi ko.    

" Ang saya mo ah! " sabi ko sa kanya.

" Syempre naman. "

" Thank you ah.. " bulong niya sa akin.        

" Oh bakit? "    

" Dahil sayo nanalo ko! "      

" Sus. Nambola pa to! " natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Lance.

" Congrats kuya! " sabi ni Chelsea.

" Ex pinsan, congrats! " kaloka si Trina.

" Thanks, Chels. Ikaw, Trina pinsan pa rin kita noh. Cousin in law! "

" Ayiheeeeeeee! " sigaw netong dalawa.

Yumuko na lang ako.

" Oh ate, bat ka nakayuko! Namumula si ateeee! "

" Tsk! "

Natapos na ang nagpicture taking saglit then aalis na sana kami kaso..

" Chelsea! " may sumigaw na lalaki.

Pagharap namin...

Si Clarent!

" Kilala ko yung lalaking yun ah! " sabi ni Lance      

" Ssssh huwag kang highblood. Yan lang naman ang pinapantasya ng kapatid mo. " sabi ko sa kanya.

" Huh? Paano! Di ba ex mo yun? " tanong niya.

" Tsss, oo. Alam na nga ni Chelsea e. Yon ang pinagkukwentuhan namin kanina. " pagpapaliwanag ko.

" Tsk. Kaya pala. "

Naglakad kami papunta dun kina Clarent at Chelsea.

" Chels uwi na tayo. " sabi ni Lance.

" Uy Loreen! " bati sa akin ni Clarent.

Nginitian ko lang siya.        

" Sorry nga pala nung nakaraan, alam kong matagal na yun pero ngayon pa lang ako makakapagapologize sayo. " sabi niya sa akin..

" Wala na yon. " ayoko makipagusap sa lalaking to e.

Hawak ni Lance ang kamay ko at ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.          

" Ahmm nga pala, Clarent. Kapatid ko, si kuya Lance. Kilala mo na siguro si ate Loreen at ate Trina. " hay, buti nakaramdam ng awkwardness tong si Chels.

" Kilala ko silang lahat. Pero anong sabi mo? Kapatid mo siya? " tanong niya na may halong pagtataka.      

" Oo, magkapatid kami. Hindi ko tunay na kapatid si Loreen at girlfriend ko na siya ngayon. " at aba, ang yabang neto ha. :))        

" Ah, sige mauna na ako. "          

Aba, at umalis na si Clarent. Buti naman.

Pagtingin ko kay Trina may katawanan. At aba, kaya pala di ko nararamdaman ang presensiya niya. Kausap pal si Joe.        

" Joe! Trina! Tara na. " sabi ko.

" Sige Loreen sa akin na sasabay si Trina. "      

" Oh sige, mag ingat kayo ha! "

" Ingat kayo Loreeeen! " sigaw ni Trina.

Oh di siya na masaya!

Sumakay na kami sa sasakyan. Susyal e, may driver sila Chelsea eh. Hinatid na kami ni Lance sa bahay namin.  

Di pa kasi umaalis si Lance sa bahay kasi ayaw daw niya. Hays, pasaway talaga yon. Dapat kasi sa tunay niyang pamilya na siya nakatira. Pero ayos na rin na di pa siya umaalis.        

Nakauwi na naman kami.. Nang biglang may tumawag sa akin sa phone.          

" Hello? "        

" Loreen! Loreen! Pumunta kayo dito sa **** Hospital. Ngayon na! " Ahmm, nanay to ni Lance.. Bakit sa akin tumawag? At sino naman ang naospital?          

" Ha ? Bakit po? Sino po ang nasa ospital? "       

" Naaksidente si Rica, at sumabog ang sinasakyan niya. " WHAT?!        

" HA?! Sige po, pupunta po kami dyan ngayon na. "        

" Hintayin niyo na sila Chelsea, babalikan kayo dyan. "        

" Oh sige po. "      

  " Mag ingat kayo. "              

*toot toot toot*                

" Sino yon? " tanong ni Lance          

" Mama mo, naaksidente daw si Rica! "

Di ko alam kung ano ang irereact ko, kasi naging maldita sa akin yung si Rica.. pero di ko alam. Di ko talaga alam kung ano yung nararamdaman ko. Feel ko matutuwa pa ako, pero mali to. Siguro dapat ko na siyang mapatawad, kasi KARMA na niya yon?            

Di nagsalita si Lance, alam ko namang galit siya sa babaeng yon. Pero..... kapatid pa rin naman niya yon eh.              

" Susunduin tayo, pumunta daw tayo sa ospital. "            

Hmmm, ang gara lang ng timing.          

" Ayoko, pumunta dun. " sabi niya.            

" Ehhh, kapatid mo rin naman yon.. Tara na. "              

" Hays.. Oo na. "

Mukha naman siyang napipilitan. Di ko naman siya masisisi.. Ako rin eh, may galit ako kay Rica. Magmula highschool, hanggang ngayong 2nd year college ako. Ginulo nya tong buhay ko. Buhay namin. Puro kawalanghiyaan pinaggagawa niya, pero buti nalang nakaligtas pa ko sakanya.          

Pagdating namin ng ospital, nandun silang lahat. Ang mama at papa ni Lance. Tas kami nila Chelsea. Nakahiga si Rica, at may benda ang mukha niya, pati na rin ang ibang parte ng katawan niya.          

Umupo lang kami ni Lance, at eto katabi ko si Chelsea. Mukha siyang malungkot na ewan, siguro.. Di niya rin alam kung ano bang mararamdaman niya. After all, puro pasakit lang rin naman ang nadulot sa kanya ng half sister niya. At nung una ko siyang nakita noon, umiiyak siya at ang dahilan ay si Rica..        

Pero ngayong nakikita ko siyang ganito, nagflashback lahat sa utak ko yong pinagsamahan namin nung highschool ako. Pwera nalang siguro nung 3rd year at 4th year, kasi dun nagsimulang lumabas ang tunay niyang kulay. Pinagmukha niya akong masama sa lahat, punung puno ako ng kahihiyan.          

" Sorry, Loreen.. " nagulat kami ng bigla siyang nagsalita..          

  Natulala na lang ako sa sinabi niya. Bakit siya nagsosorry sa akin?  

Gusto ko sanang magsalita, pero ano namang sasabihin ko? Niwala namang lalabas sa bibig ko, oo nakakaawa ang kalagayan niya ngayon. Pero baka hindi pa rin maganda yung mga salitang lalabas sa bibig ko kaya mas pinili kong tumahimik na lang.          

" Siguro kung hindi ko yon ginawa, baka masayang masaya ako ngayon... Baka hindi to nangyari sakin ngayon. Kung tinanggap ko lang sana ang lahat.. " tas biglang naubo..              

Dancing is the Key ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon