Chapter 26

25 0 0
                                    

Chapter 26

Lance's

Papasok na ako ng bahay namin, este bahay nila Loreen. Ang dami yatang tao? Balak ko lang naman sanang bisitahin eh. Namimiss ko na kasi. Pagkapasok ko, laking gulat ko naman na palabas si Rica! Aba, bakit nandito siya? Gumawa na naman ba siyang eskandalo? Hala! Nasaan na si Loreen, baka sugatan na yon! Tatakbo na sana ako sa loob ng bahay, pero tinawag ako ni Rica.

" Lance.. " Wow, anong nangyari sa boses niya? Bakit parang maamo na siya ngayon? Yung tigre.. naging maamong pusa! 

" Bakit ka nandito? Anong ginawa mo kay Loreen? May sugat ba siya? " Ewan ko! Niratrat ko talaga si Rica, mukhang nagulat siya sa sinabi ko at lumungkot pa lalo yung mukha niya. Bakit? Hindi ba totoo yung sinabi ko?

" Magsalita ka nga! " Sabi ko sakanya. Ang tahimik e! Natameme yata sa sinabi ko, baka naguilty siya. Tss, oo na! Inaamin ko ang OA ko ngayon.

" Lance, ganyan pa rin pala ang iniisip mo sa akin. Hindi naman kita masisisi, kung ganyan yung iniisip mo na ginawa ko sa loob. "  Parang ang lungkot lungkot niya. Nagsisi na kaya siya sa mga ginawa niya sa amin noon? At yung mukha niya... dahil yon sa pagsabog diba? Oo nakita ko na nga pala yon noong nagpunta kami sa ospital. Pero hindi ko na pinansin yun dahil galit ako nung mga panahon na yon. 

" Paano ka nakakasiguro? "  Hindi pa rin ako makapaniwala.. Ang bilis ko bang manghusga? 

" Lance, patawarin mo na ako! Hwag ka ng magsalita ng ganyan. Hindi ako nanggulo sa luob. Humingi lang ako ng tawad kay Loreen.. Balak ko sana bukas pa kita pupuntahan at kakausapin pag nandoon ka sa bahay.. Pero nakita na kita dito eh.. "  Nga pala, lumipat na ako ng bahay. Kailan lang, kaya nga miss na miss ko na si Loreen eh. Request kasi yun ng nanay ko, buong buhay ko daw kasi hindi niya ako nakasama kaya yon lang ang hiling niya daw sa akin. Ligtas na naman daw ako kay Rica eh. Harmless na daw siya ngayon. Mukha nga.

Nagsosorry siya, pero hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.. Pwede bang pagisipan ko muna? 

" Hindi ko alam, Rica.. Pag iisipan ko.. " Sinabi ko yan sa kanya! Totoo naman e! Ayokong magsinungaling sakanya, hindi naman ako naaawa sakanya kahit ganyan ang kalagayan niya ngayon! Mukha siyang namatayan!

" Sige, Lance. " Umalis na siya. Dahan dahan lang siyang naglakad, siguro gusto niyang pigilan ko siya. Pero, gusto ko pa talagang pagisipan! Mahirap sa akin ang magpatawad.

Pagkapasok ko sa luob ng bahay, nakita ko kaagad si Loreen. Mukhang tahimik lang siya ngayon at nakaupo dun sa bench sa may garden.

" Oy. " Sabi ko. Wala manlang kasweet sweet nu?  Napatingin siya sa akin. 

" Nagsorry na si Rica. " Ahh. Nagsorry rin pala sa kanya. For sure, pinatawad na niya.. 

" Pinatawad mo? " Tinanong ko siya kahit alam ko na ang isasagot niya.

" Oo, pero sinabi ko sa kanya na hinding hindi ko makakalimutan ang lahat, at hindi na mababalik yung dati. "

" Nakasalubong ko siya e.  Humingi rin ng tawad pero, alam mo naman ako.. Hindi ako basta basta nagpapatawad. "  Lalo na ang daming ginawa sa akin ni Rica na nakakainis, at nakakairita. Lalo naman kay Loreen diba? Pero wala, pinalagpas na niya agad. Sana nagtanda na si Rica.

" Alam ko naman yon at naiintindihan kita. "  Pinat niya yung bench na inuupuan niya, ibig sabihin umupo daw ako. Nakatayo lang kasi ako e.

" Hayaan mo na muna yon, birthday mo na oh.. Huwag ka nang mamroblema dyan! " Sabi ko na lang sa kanya. Hindi naman kasi niya dapat problemahin yon e. 

Inakbayan ko siya at hinilig naman niya yung ulo niya sa balikat ko.

" Kunsabagay.. "

* * * * *

Rica's 

" Siguro ka na ba sa pag alis mo? Hindi ka man lang ba aattend sa birthday ko? " Tanong ni Loreen sa akin. Nandito na kami ngayon sa airport, sabi ko nga e kahit ako na lang mag isa ang pumunta dito at huwag na lang nila ako ihatid.. Baka kasi naaabala ko pa sila. Dalawang linggo na rin nga pala ang lumipas magmula nung nanghingi ako ng tawad kay Loreen at Lance.. at eto nga, napagdesisyunan ko na. Aalis na ako, kahit hindi pa ako pinapatawad ni Lance.

" Oo nga Ate Rica, sayang naman. Sana pinaabot mo man lang, 3 days na lang at birthday na ni Ate Loreen. "  Sabi naman ni Chelsea sa akin.

" Hindi na, ayos lang yon. Pwede pa naman tayong makapagcommunicate, saka itong gagawin ko para rin naman sa rin sa lahat. "  Sabi ko na lang sa kanila. Mas makabubuti naman talaga kasi sa akin ang umalis. Babalik na lang ako sa States, diba dati nagpunta na rin ako dun para mag aral? Pero wala, ginusto ko bumalik dito.. at ngayon aalis na naman ako.

Napatingin ako sa katabi ni Loreen na walang kaimik-imik. Si Lance. Nakatingin lang siya sa kawalan at mukhang walang pakialam. Nandito rin nga pala si Mommy, si Daddy naman susunod daw siya sa akin dahil may business meeting pa daw siyang hindi natatapos dito sa Pilipinas. Pagkatapos daw nun, susundan na niya ako sa States. 

Pero syempre, bago ako umalis.. My only wish.. is sana mapatawad na ako ni Lance.

" Uhmm, Lance.. alam kong hindi mo pa ako napapatawad pero sana.. Mapatawad mo na sana ako. Bago man lang ako makaalis, para manlang matahimik na ako, at hindi na ako maguilty.. "  Napatingin siya sa akin sa sinabi ko, pati na rin sila Loreen mukhang nagulat sa sinabi ko. Gusto ko kasing umalis ng Pilipinas na walang tinatakasan. Ayokong maramdaman ulit na kaya ako umalis, ay dahil lang sa may tinatakasan ako. Ngayon, kaya ako aalis dahil gusto ko ng magbagong buhay.

" Sige, pagbibigyan kita.. Tutal, magkapatid naman tayo.. "  Napangiti na lang ako sa sinabi niya, at kahit alam kong parang hindi pa siya desididong patawarin ako, atleast kaya niya.. Mapapatawad niya rin ako ng lubusan.

Napatingin ko kay Mommy na mukhang masaya, kahit ba na aalis ako.. siguro masaya siya kasi nagkapatawaran na kaming lahat.

" Salamat, Kuya. " Sinabi ko yon.. Kuya. Totoo naman e, mas matanda pa rin siya sa akin. Kuya na rin siguro dapat ang itawag ko sakanya, kahit nakakaasiwa. 

Niyakap ako ni Mommy, pati na rin ni Chelsea.. at ayon, napagdesisyunan ko nang umalis.

" Goodbye.. " 

" Bye Ate! Mag iingat ka! Maguusap pa rin tayo ha! "  Mukhang maiiyak na si Chelsea, pero kasi.. Halos kakabati lang namin tapos aalis na kaagad ako? Nihindi manlang ako nakabawi sa kanya, sa mga ginawa ko sakanya! Sa mga pananakit ko sa kanya noon.. Gustong gusto kong bumawi, pero gusto ko na ring umalis. 

" Sorry Chelsea, babawi ako sayo balang araw..  Goodbye. " Nginitian ko na lang si Lance at Loreen, then I started to walk away... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dancing is the Key ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon