Chapter 16

28 0 0
                                    

Isang linggo na rin ang lumipas, at nakapagdesisyon na si Lance na tanggapin ang buong katotohanan, at marinig yung buong kwento ng tunay niyang ina. Kaya tumawag na siya. 

" Hello po"

" Hi Lance! " 

Lance's POV.

Tumawag ako sa number na binigay sa akin, pero nagulat ako iba sumagot..

" Hi Lance! " Pamilyar yung boses! Babae.

" Rica! Give me that phone! " tsss, si Rica lang pala.

" Hello, Lance ikaw ba yan? "

" Opo "

" Papasundo kita sa bahay niyo, okay ba? Isama mo na rin si Loreen if you like. "

" Sige, may klase po si Loreen ngayon e. "

" Ah sayang naman, be ready ah. "

" Okay salamat. "

Buo na talaga yung desisyon ko.

Dumating na yung sasakyan, nagulat ako nung nakasakay na si Loreen. 

" Ah sir at mam, ipinasundo talaga kayo ni madam. " sabi nung driver.

" Hehe! Sinundo niya ko sa school. Eh sakto uwian na, sumama na ko! "

Tuwang tuwa pa siya ah.

Nakarating na kami dun sa bahay, wow malaki siya. So ganyan pala naging buhay ng ina ko habang wala ako?

" Oh Lance, andyan na pala kayo. " she smiled at us. 

" Tara pasok na kayo, " pinaupo na nila kami. 

Loreen's POV.

" Ah excuse po, maiwan ko nalang kayo usapan niyo pong mag-ina yan."

" Sige, Loreen. Pwede kang maglibot dito sa bahay. Rica isn't there, umalis siya. Wala ka dapat ipagalala."

" Thanks "

Naglibot libot ako dito sa bahay at masasabi ko talaga na para siyang mansion. 

Kaso may isang magandang bata akong nakita, umiiyak. Kapatid kaya to ni Rica? Magkamukha sila eh. 

She's inside her room so I can see her, nang bigla nalang may sumulpot sa tabi ko.

" Siya si Chelsea, Mam. Kapatid ni Rica, half sisters lang sila.. Ay! Hala, nadulas ako. Wag kang maingay ah? " katulong yata nila to.

Half sister? Eh di siguro hindi sila magkasundo nitong Chelsea at si Rica? . I think she's 3rd year highschool. Kumatok ako sa pintuan niya kahit bukas to at bigla ito ay bumukas ng malaki.

" Diba sabi ko ayo---- " bigla siyang natigil, nagulat yata? 

" Hi? Ah! Pasok ka! Kilala kita!!! " sabi niya.

" Kilala mo ko? "

" Oo! Ikaw si ate Loreen! "

" Paano mo ko nakilala? "

" Dati lagi kang kasama ni ate Rica, tapos nung hindi na kayo magkasama bigla nalang siyang parang galit na galit sa pangalan na Loreen. Kaya ayon, narealize ko ikaw yun! Tara pasok ka! "

Dancing is the Key ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon