( Dinedicate ko po kay ate Denny, dahil bukod sa magaling siyang writer... crush ko pa yung mga characters sa story niya. Haha charot lang. XD I really love her stories, specially VOICELESS. sobrang naadik ako dun. Na ilang beses ko inulit basahin. plinano ko pa ngang ipabookbind yon, kaso nga lang, wala datung at bawal yon sa pagkakaalam ko! XD Yon lang po :3 )
______________________________________
Chapter 3
- Forget this feeling ?
Lance's POV.
"OH lance? Nasan si LJ ? "
" Nasa kwarto po yata. "
" Ah sige tawagin mo na lang. "
Pumunta ako sa harap ng kwarto ni LJ, kaso parang may kausap siya.
" Oo talaga inaamin ko,mahal ko siya. pero okay lang, wala naman akong magagawa. Maraming hadlang. at masamang IBIGIN ang kadugo. "
" ANSABE TE? Syempre malulungkot, maiinis at magagalit ng konti ? Pero matutuwa rin syempre! "
" HA? anong totoo ? "
May kausap siya sa telephone, at ang hindi ko maintindihan.. Ano yung sinasabi niyang may mahal siyang kadugo ? Eh wala naman kaming pinsan na lalaki na nandito samin. Si Trina lang ang pinsan namin dito dahil yung iba naming mga pinsan ay nasa Cavite.
" Eh syempre nga, mahal ko nga si Lance e! "
HUH?! Napangiti ako sa narinig ko mula sakanya. Pero, ako? Mahal niya ako. Pero paano? Magkapatid kami. Umalis nalang ako dun sa harap ng pintuan niya, baka lumabas siya bigla at makita niya ako dun na nakikinig sa usapan nila.
" Oh asan na si LJ ?
" may kausap po yata e, kayo nalang po tumawag. "
Maya-maya lumabas na si LJ , mukha namang masaya. Di ko alam, parang gusto kong mailang. Pero bakit naman ako maiilang diba? Ayon pinasakan ko ng blueberry cheesecake yung bibig niyang maingay.
" Che ang sa-- " -siya yan
"Nakakainis ka talaga! oetong sayo!" -siya pa rin yan
Nagtawanan lang namin kami ni LJ habang kumakain, maya maya pumasok na rin kami ng kaniya-kaniya naming kwarto.
Hindi ko pinahalata sa kanya na may narinig ako. Ayokong masira yong pagiging close namin.
Oo inaamin ko, may feelings rin ako para sakanya. Kaso hanggang dun lang yon, kapatid ko siya eh. Kaya nga wala akong girlfriends or kahit ano eh. Talo pa nga niya ako, kasi noon may boyfriend yan. Naka-dalawa na yata siya o tatlo. Pero nung mga panahon na yon, ako wala.
Dahil siya lang naman talaga laman ng puso ko. Pinagbawalan ko siyang magboyfriend pero sinaway niya rin naman yung utos ko na yon, kaya okay na rin. Nagbreak rin naman sila eh.
Di ko pa nga pala napapakilala sa inyo yung sarili ko.
Ako si Lance Jomarri Alcaraz. Dancer nga ako, at yon ang hilig namin ni LJ. Marami na rin kaming awards na napanalunan, pero hindi pa rin namin tinitigilan ang pagsasayaw dahil hilig talaga namin yon. Ayoko sa mga makukulit na babae, lalo na yung mga dikit ng dikit. Pati na rin yong mga stalkers at papansin. Masungit ako pagdating sakanila, saka si LJ lang naman yung babae sa buhay ko e. Pati siguro nanay ko?
Dapat ko nga bang kalimutan nalang tong nararamdaman ko para sa kapatid ko? Sa tingin ko, oo eh. Wala rin naman kasing patutunguhan kung
mahal ko siya, mahal niya ako. Basta, sa ngayon hahayaan ko muna tong nararamdaman ko para sakanya. " just go with the flow " Ika nga nila.
*Ring ring*
Hey girl, you know, you drive me crazy
One look puts the rhythm in my hand
Still I'll never understand why you hang around
I see what's goin' down
" HELLO?! " -ako
( oh easy lang lance . )
" Bakit ka ba tumatwag ? "
( hmm, wala lang! nangangamusta lang! )
" Close ba tyo ? "
( pero kahit na! )
" Please lang tigilan mo na ako, don't ever try to call me again. or else, you're dead. Understood? "
* toot toot toot *
Yon nga pala si Rica, ewan ko kung ano yong apelyido nya. -__- As if I care huh. Lagi akong hinahabol nun, I hate her. She's my stalker.
Kinikilabutan ako sakanya, ewan ko ba. lagi nalang siyang ganon. Matagal-tagal na rin. Pero ngayon parang mas lalo pa siyang lumalala.
Humiga nalang ako, tutal gabi na rin naman at napagod kami kanina sa dance contest. Wala pa kaming pasok dahil bakasyon lang. Pero by next week papasok na rin kami.
" Eh syempre nga, mahal ko nga si Lance e! "
" Eh syempre nga, mahal ko nga si Lance e! "
" Eh syempre nga, mahal ko nga si Lance e! "
Hindi pa rin mawala sa isipan ko yang sinabi nyang yan. Sana nga hindi nalang kami totoong magkapatid para pwede na naming mahalin ang isa't isa. Pero imposible eh. Siguro nga dapat ko ng kalimutan tong pagmamahal ko na to para sakanya. I should forget this feeling. Kahit mahirap at parang hindi ko kaya. Lalo na kung lagi ko siyang kasama.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
SHORT UPDATE LANG PO! :)
VOTE, COMMENT AND BE MY FAN. THANKS! :)
