Chapter 25
Loreen's
" Ayaw mo ba talaga ng engradeng party? " tanong sa akin ni Mommy. Kanina pa sila nagtatanong kung sigurado na daw ba ako sa desisyon ko. Ilang beses ko na rin namang inulit, pero wala ang kulit talaga nila. Hindi naman sa pagiging maarte, pero kasi.. Nacocornyhan ako dun sa party kapag debut. Yung may roses echos pa! Ang daming mayaman ngayon pero mas pinipili nilang mag out of the country na lang or kumain sa labas. Pero ako, pagbibigyan ko naman sila e! May party naman pero erase the 18 roses.. Yong mga ganon ba.
" Yes, Ma. Sure na po talaga ako. " Sinabi ko nalang kay Mommy. Ngumiti siya sa akin pero alam kong gusto pa rin niya nung sinasabi nila engradeng party. Sabagay, hindi siguro niya naranasan yun nung 18 years old siya. Eh kasi naman, ayoko talaga.
" Sige, kung yan ang gusto mo. Tatanggalin nalang natin yung part na ayaw mo. " Yung part na sinasabi ni Mommy? Yung alam niyo na nga. Haha, kanina ko pa mimention yon. Alam niyo, noon ko pa to pinagiisipan. Highschool palang ako iniisip ko na kung magdedebut ba ako ng may ganon. Nung una gusto ko, pero kasi napagisip isip ko na ayaw ko pala talaga dahil sa ilang kadahilanan.
" Ilista mo na lang yung mga iinbitahan mo, then ako na ang bahala sa family friends at relatives. " Sabi niya.. Halatang tuwang tuwa pa rin siya kahit pinatanggal ko na yung part na yun. Nakapanuod na kasi ako dati ng mga debut, feel ko ang corny. Sorry sa mga nagdedebut dyan ng extravaganza ha?
Inabot sa akin ni Mama yung papel, at nagsimula na akong maglista. Syempre, iinbitahan na ni Mommy sila Chelsea at Trina. Pero syempre nilista ko pa rin noh.
Chelsea
Trina
Clarent (Oh, wag kayong malisyosa! For sure magkasama sila ni Chelsea dahil nagkakamabutihan na yon! )
Rica ( Yes, invited si Rica. )
Ellaine
Trixie
Jhendy
Mio
and many more..
Mga kabatch ko yung iba dyan, tas friends na rin. Hindi ko naman iinvite ang lahat, dahil sa pagkakaalam ko simple lang yung magaganap na party.
Binigay ko na kay Mommy yung listahan at syempre pumasok na muna ako sa kwarto ko.
Naisip ko na, sinira ko nga pala yung debut noon ni Rica. Tsk, nakonsensya naman ako bigla. Pero wala e, wala na akong magagawa dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ko nagawa ang bagay na yon. Handa na naman akong magpatawad dahil tapos na ang lahat. Wala na rin naman siyang magagawa, kung hindi tanggapin na magkapatid sila ni Lance. Kahit ba na half lang, still.. Magkapatid pa rin sila sa ina.
Nagulat ako, pagbaba ko ng bahay namin, ang daming tao.
" Hi Ate! " bati ni Chelsea sa akin. Mukhang ang saya saya niya ah. At aba, kasama pa niya si Clarent ah! Sabi ko sa inyo eh, nagkakamabutihan na talaga sila! Kaya wag na kayong maging malisyosa. Alam niyo, bagay na bagay si Chelsea at Clarent.
" Uy Chelsea! Nandito pala kayo. " Sabi ko nalang. Nginitian ko sila ni Clarent, at ngumiti rin naman siya. Walang wala na talaga yung dati. Haha, mga bata pa talaga kami nung panahon na yon.
" Ay, ate. Kasama ko nga pala tong mokong na to! Okay lang ba? " Naalala ni Chelsea na may kasama pala siya. Haha, nakakatuwa silang dalawa.