Chapter 5
Kat
"Pssssttt...... HOY!!!!" Naramdaman kong may kumatok sa noo ko, at dahil do'n ay parang bumagsak sa lupa ang ulirat ko!
Pinanlisikan ko ng mata si Mina na nakaupo sa harap ko.. Ang best friend kong bakla. Ay sorry! Nakalimutan ko na naman, hindi nga pala bakla, babaeng bakla lang naman... E kasi naman kung umasta, mahihiya yung mga bading sa kanya! We are having our lunch at the office cafeteria, pero hindi sa pagkain nakatuon ang isip ko.
Isang buwan na ang nakakalipas noong mangyari ang mga kababalaghan at himala ng buwan sa buhay ko. Buruin mo, hindi lang ako nag-time-travel, instant milyonarya pa ako?! Ayun lang, instant din ang sandamakmak na haters ko. Idagdag pa ang frequent na stalker ko! Simula noong namana ko ang kalahati ng kayaman ng mga Mendez ay hindi na ako nilubayan ni Rafael. Alam ko na gusto nyang mabawi ang kayamanan nya kaya sinu-sundan sundan nya ako, na ikinagagalit naman ng mabait nyang fiance. Ilang death threats na kaya ang na-pm nya sa akin. Kaya nga binura ko na lang ang FB account ko.
Bumalik na nga ako sa Maynila ay natunton pa din nya ako. Alam na nya kung saan matatagpuan ang lungga ko. Malamang na pina-PI nya lahat ng tungkol sa akin. Inaayos ko na lang ang mga papeles ay lilipat na ako ng condo. Alam kong hindi na nya ako matutunton sa bago kong lilipatan. At kung makita man nya ulit ako dahil magaling ang mga imbestigador nya, sisiguraduhin ko na kahit daliri nya sa paa ay hindi makaka-apak sa building na 'yon!
Malapit na akong maimbyenra! Ay Correction... Hindi pala malapit, dahil sabog sabog na ang ulo ko dahil sa sobrang pagkainis sa kanya! Dahil hindi lang naman ang pagkaka-alam ng whereabouts ko ang ipinuputok ng butsi ko. Noong minsang nagdecide na akong pumasok sa opisina, umagang-umagang kay ganda ay parang kumulog, kumidlat, lumindol at nagunaw ang mundo! Paano ba namang hindi magugunaw ang mundo? E part owner na pala ang Rafael Mendez na 'yon sa kompanyang pinapasukan ko! At hindi ko man lang nalaman! Sabi ng boss ko, newly acquired lang daw ni Rafael ang controlling stocks ng kompanya. Mga 3 weeks pa lang daw. Itataya ko ang kalahati ng napakaganda kong buhok, na hinanap talaga nya ang pinagta-trabahuhan ko para lang asarin ako! He wants to make my life a living hell! At mukhang wala syang balak na tantanan ako! Feeling innocent pa sya na kunwari ay matagal na nyang pinaplanong bilhin ang kompanyang ito. At may nalalaman pa syang nagulat noong nakita nya ako?! E sya pa kaya ang nagpatawag ng meeting ng Creative Department na kung saan ako ang head. And take note, yung department lang namin sya nakipag-meeting.. deadma sya sa ibang department. Anong ibig sabihin non... HA!
At ang mas lalong nakakairita, halos lahat na ata ng babae dito sa kompanya ay nagpapa-cute pa sa kanya! Aba talaga namang ang sarap ipakain sa electric shredder ang pagmumukha nya!
Nag-iisip na nga akong magresign, tutal limpak limpak na rin naman ang mga kadatungan ko. Pero hindi ko magawa, minahal ko na ang trabaho ko. Malaki ang utang na loob ko sa management dahil dito ko natutunan lahat ng mga skills ko. At hindi nila ako nilaglag noong panahon na tuliro ako dahil sa pagpanaw ng boyfriend ko.
Haist! E ano naman kaya ang dapat kong gawin sa naghahari-harian sa kompanya? Ihagis ko from the 58th floor?
"Naalala mo na naman si big boss ano?" Nakangising sabi ni Mina. "Lumalabas na naman yang mga litid mo sa leeg. Sige ka, matutuyot ang kagandahan mo. Sayang! Kung ibinibigay mo na lang sa 'kin 'yan, e di mapakikinabangan ng bonggang bongga!"
"At bakit mo pa kailangan ang kagandahan ko, e maganda ka din naman?" Marami ngang nagkakagusto dito kay Mina, ang problema lang talaga, utak bakla!
"Pero... uyyyyy.. mukhang iba ang tama ni bossing sa 'yo a.."
"Tama? Baka gusto nya akong tamaan ng bala! Alam mo naman kung ano ang pakay nya sa akin. "
Wala akong itinago kay Mina. Naikwento ko sa kanya ang lahat pati na rin ang pagpasyal ko sa nakaraan. Pero, sa tingin ko ay hindi nya ako talaga pinaniniwalaan. Nakikisang-ayon lang sya sa mga sinasabi ko, pero nakikita ko sa mga mata nya na nag-ha-hallucinate lang ako. Feeling nya kasi ay masyado akong na-depress na pagkakamatay ni Richard. Hindi ko na rin ipinilit na paniwalaan nya ako.