AN.. Ang sipag ko ngayon promise! Pero ngayon lang yan... medyo nakaluwag ako sa work kaya sinasamantala kong mag-update.
Chapter 6
Kat
"I can say that I'm impressed."
"Bakit? Hindi mo ba akalain na ang isang hamak na Indyo ay kayang ma-impress ang mga stockholders mo? Kung binalak mo na i-set up ako para mapahiya ako sa mga stockholders mo, think again Mr. Mendez. I can handle myself perfectly well in front of big people. "
Sanay akong humarap sa mga mataas na tao. Ilang taon na akong nagbebenta ng idea sa mga big clients ng kompany.
"Ang babaw naman ng tingin mo sa akin." Nakangising sabi nya.
"Bakit hindi ba?"
"Then you're wrong."
"Owwwwssss.... "
"You have to know be better."
"Wala akong balak. Tama na yung nakita ko na yung nakatago mong sungay at buntot. You maybe charming in the outside, pero maitim ang budhi mo. You can fool anybody but me. Alam ko na kung paano tumakbo ang utak mo. You are dangerous and cunning and you will do everything just to get what you want."
"A part of what you said is true. I am dangerous and cunning and I always get what I want."
"Hindi lahat ng gusto mo ay pwede mong makuha. Hindi lahat ng tao ay pwede mong pasunurin sa lahat ng gusto mo. Ano ka diyos."
Natawa sya sa sinabi ko.
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw."
"Hello... sa ganda kong ito, mukha ba akong clown? And besides, totoo lang naman ang lahat ng sinabi ko. "
Ngumiti lang sya at hindi na nagsalita. Napatulala ako sa kanya, dahil genuine ang nakita kong ngiti nya. For a moment there, he let me see a different side of him.
What the heck! At a moment, nakita ko si Juaquin kay Rafael and my heart skipped a beat! Gosh! I'm loosing it! Hindi! Hindi sya katulad ni Juaquin!
Siguro naisip ko lang iyon dahil sa suot nyang tux na katulad ng palaging isinusuot ni Juaquin.
"Care to dance?"
"Huh?" Bigla akong natauhan. Hala! Ano ba itong nangyayari sa akin?
Katrina Benitez Hindi si Juaquin ang kaharap mo! Gumising ka nga!
"Sorry, hindi ako marunong sumayaw." Kunwari lang 'yon. Ayoko lang malapit sa kanya at mas lalo kong naaalala si Juaquin.
"Then I'll teach you how." HInawakan nya ang kamay ko at itinayo nya ako.
"'Wag na, baka mamaga pa ang paa mo."
"Magaling akong umiwas."
"Can't you take a hint?"
"I just don't want to take a 'no' for an answer."
"You're so stubborn."
"I know."
Inilagay nya ang kamay ko sa braso nya. He guided me to the dance floor. Ayoko sanang pumayag, pero mas ayaw ko namang maghuromintado sa sa gitna ng mga tao.
Feeling ko nakatingin sa amin ang lahat ng mata sa ballroom. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang maging center of distraction! Inalala ko ang itsura ko. Maayos at nababagay naman ang damit ko sa okasyon na ito. Bago kami lumipad patungong Cebu ay dinala muna ako ni Rafael sa isang boutique ng isang kilalang fashion designer. Doon na ako inayusan para pagdating namin sa Cebu ay diretso na kami sa hotel. I might say that they did a great job. Hindi ko akalain na may igaganda pa ang ganda ko! Yabang mode muna para matakpan ang kaba na nararamdaman ko. The make-up and the gown really works wonders, feeling ko prinsesa ako.