BO Chapter 1
< Crissy's POV >
"Ho?" napamulagat na tanong ko. Sobrang shockira ako sa narinig mula kay Ninang. (o_o)?? Nakatingin siya saken na tila ba amused na amused. Siya na masaya.
Ngiting ngiti kasi ang mapupulang labi nito, pati mata nito nakangiti. Happy ang peg. (._.)
"Oo.. yan ang naisip ko. Tutal ang sabi mo kahapon ay ayaw mong tumanggap ng pera mula saken ng walang kapalit. Gusto mong pagtrabahuhan right? So, that's your job." nakangiting sabi ni Ninang Andrea habang nakaupo ito sa swivel chair.
Nandito ako ngayon sa opisina niya. Ang gondo niyang tingnan sa suot niya. Lawyer na lawyer ang dating a.
"E bakit po yun ang trabahong naisip nyo Ninang? Why me? Why that? Hindi naman po ako jolly at hindi rin ako joker." katwiran ko.
Napatawa ito.
"Hindi ka nga jolly pero you're witty and you're an intelligent young lady. Kayang kaya mo ang pinapagawa ko sayo. Either you do that or babayaran ko ang tuition mo nang libre. Hindi moko mapipigilan sa bagay na yan. "
"Ninang naman e."
Tumayo si Ninang at lumapit saken. Hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Hindi mo ako mapipigilan na gawin to Crissy. I'm your Godmother and your mom is my best friend. Nung sinabi ko dati na gusto kong maging ninang ng anak niya, ibig sabihin nun ay magiging pangalawang ina ako ng baby niya which happens to be you."
Nagpapaka abogada yata ito ngayon. Parang nasa trial court kami. Haaay.
"Nakakahiya na rin kasi Ninang. Yung pang finals ko ikaw na rin ang nagbayad e. Kakakilala ko nga lang sa inyo tapos biglang naging automatic obligasyon mo na ako." katwiran ko pa.
Sa totoo lang, Sobrang nahihiya ako sa kanya. Hindi niya naman obligasyon to e. Bago pa lang kasi talaga kami nagkakilala. Kauuwi lang rin nito mula sa America which is in time dahil wala akong pambayad ng pang final exam. Nung nahanap niya ako at nalamang may problema ako ay bigla na lang itong sumulpot sa school namin at binayaran ang tuition fee ko.
Oo. Agad2x.
"Mana ka talaga sa mama mo. Mahiyain. Nung namigay ng Hiya ang diyos, sinalo nyong mag ina." napatiim bagang ako sa narinig. Ayokong magmana sa mama ko. (>_<)
"Hindi naman po.. hindi lang po ako sanay na humihingi ng tulong mula sa ibang tao."
"Hindi masama ang tumanggap ng tulong Criselda at isa pa, hindi mo naman hiningi, kusa kong binibigay sayo. And hey.. I'm not ibang tao." pano ba ako mananalo sa isang diskusyon na abogada pa ang kalaban ko?
Haaaay.
(-_-)
"Hmmm.... sige ninang, tinatanggap ko na po yung pinapagawa nyo saken." matapang na sabi ko kahit naman hindi ako confident kong kaya ko. /(._. )\
"Good Girl!" masayang sabi ni Ninang tapos ay patakbong lumigid sa table nito. Inabot saken ang isang envelope.
Wow ha. Prepared.
Lumawak ang ngiti ni Ninang pagkakita sa reaksyon ko.
"I'm always prepared crissy.. para naman hindi mabawi sakin ang ilang 'girl scout of the philippines' ribbon ko diba?"
Napangiti ako.
Binuklat ko ang folder at bumulaga saken ang Biography ng isang lalaki, pwera biro. Parang Biodata ang nandito na may kasamang picture pa ng isang lalaking, pamilyar ang pagmumukha.
BINABASA MO ANG
BABY OUT!! ~COMPLETED~
RomansaMiserable ang buhay ni Rafael Lopez. Right now he's not in the mood to look at the bright side of life. He's experiencing the worst feeling. He's surrounded by his most hated people. His life is kinda miserable. Buhay siya pero pakiramdam niya ay...
