BO 23
< Crissy's POV >
"Kapre!" masayang bungad ko sa kanya pagkababa ko. Isang malaking ngiti ang nakaplaster sa mukha nito nung makita ako. Pababa na ako sa aming major major staircase. Tiningnan ko siya.
Ang medyo singkit nitong mata at nakangiting labi ay mas lalong nagpagwapo dito. He's wearing a red polo shirt and maong na pantalon with converse na sneakers.
Ang gwapo ng boyfriend ko!!
Lumalandi ang utak ko.
"Hinay hinay lang sa pagtitig baka matunaw ako dito." nakangiting sabi nito.
"Talagang hindi mo kayang pigilan ang sarili mo na magyabang noh?" nakataas ng kilay na sabi ko sa kanya.
He chuckled. "Tulad ng hindi mo kayang pagpigil sa sarili mo na mapanganga dahil ang pogi ko." sabay pingot ng ilong ko nung nakalapit na ako sa kanya. Ang tangkad2x ni kapre at tumitingala ako kapag nag uusap kami.
"You look happy mushroom." nakatitig sa mga mata ko na sabi niya.
"Magaan na kasi ang pakiramdam ko. Alam mo ba kapre, ang OA ng pamamahay nato!!! Promise! Ang laki at ang laki ng kwarto ko. Alam mo yung pwede kaming mag badminton ni Charito dun sa loob. " nakabusangot ang mukhang sabi ko.
"Gusto mo samahan kita dun mushroom?? Good idea right???" nakangisi pa ito. Yung mga opinyong niyang nakakaloka, ewan ko talaga san nanggaling. Kung alam ko lang, pinakulong ko na ang source.
( >_>) (^__^)
"Joke lang mushroom." nakangiti siya tsaka humalik sa noo ko which is really sweet.
The sweetest gesture ever. EEeeee. Kinikilig ako kapag ginagawa niya yun, ginagawa niya yun sa tuwing nagkikita kami. In short, kinikilig ako kapag nagkikita kami. LOGIC. Hehehe.
"Blooming ka kapre.." pansin ko sa kanya. Kulang na kasi mag heart shape ang mata niya.
"Sinong hindi magboblooming e nagkagirlfriend na ako. DaLaga na!" tinampal ko ang noo nito. Baliw talaga.
Narinig ako ng yabag ng mga paa na pababa kaya napatingin kami dun.
"Si mama." bulong ko.
"I know..para kayong kambal." ganting bulong nito at ngumiti ng bonggang bongga. (^________^)
Nung tuluyan ng nakababa si Mama ay pinakilala ko na sila sa isa't isa. Buti na lang at hindi baliw mode si Rafael at parang nagustuhan siya ng mama ko kasi malawak ang ngiti ni mama e. MALAWAK talaga? Hindi pwedeng malapad?
Nagpaalam lang si mama dahil paghahandain raw ng mirienda si Raffy na tinanggihan pa raw kunyari nito. Hindi naman namin napigil si mama dahil dumiretso na sa kusina.
BINABASA MO ANG
BABY OUT!! ~COMPLETED~
RomanceMiserable ang buhay ni Rafael Lopez. Right now he's not in the mood to look at the bright side of life. He's experiencing the worst feeling. He's surrounded by his most hated people. His life is kinda miserable. Buhay siya pero pakiramdam niya ay...
