BABY OUT! 25 FINAL CHAPTER.

20.2K 380 78
                                        

BO 25/ EPILOGUE

< Crissy's POV >

After 3 years.

LOPEZ RESIDENCE

"Beeeeeeeeetccccchaaaay!!!! haah!! AAAH!!" nakahawak ako sa malaking tiyan ko habang ang isang kamay ay nakatukod sa mesa. Humihilab na. Ito na ba yun??? Ngayon na ba?? HooH!! Ang sakit na. Limang araw na mas maaga to kesa sa date na expected namin.

"Betchaaaay!!! Betchaaay!! Betchaaay!!" malakas na tawag ko sa kasambahay ko. Manganganak na yata talaga ako. Grabe na talaga ang contractions, naks naman ang pagiging nurse.

"Betch---AAAAH!! betchay!!!" malakas na sigaw ko ulit. Mukhang lalabas na talaga ang bata!! HOoh! Hhoh.

Nasan na ba ang babaeng yun?? Ngayon pa nawala. >___<

Nakita kong aligaga itong tumakbo at dumilat ang mata nung nakitang mukha akong bakang kinakatay.

"Ate aTE. ..bakit po?? Ano pong nangyayari sa inyo??" halos hindi magkandaugaga ang babae sa pag alalay saken.

"Aray!! Masakit ang tiyan ko." sabi ko at may tumutulong tubig sa paa ko. Ang sakit na!! Humihilab na. ANg balakang ko masakit na rin.

"Naku! Naku!! Ate!! Manganganak na po kayo??"

Tiningnan ko siya.  

"Hindi hindi. Magbubuntis pa. Shunga!! Hindi pa ba halata?? HAa! Haa! woh. woh woh." sabay hingang malalim. Baby naman. Wag ka munang lumabas.

Tumingin ako sa oras. o_o

Oh my gosh. Hindi na aabot.

"Aaaraaay.!" naglakad na ako habang nagkakagulo pa si Betchay na hindi alam ang gagawin.

"Hindi pa ngayon dapat lumabas yan diba ate? bat lalabas na?? ano gagawin ko? ano gagawin ko???" tarantang sabi nito at nagtatakbo papunta sa kwarto para kumuha ng mga gamit.

"ATE! Ano gagawin ko?!!"

"Gaga.. eh di punta tayong ospital. " nakahawak pa rin ako sa tiyan at nagsimula ng maglakad. GRABE nato!! Masakit na talaga. NAMAN!!

"Pano po natin gagawin yun ate?? Manganganak ka na, hindi ka pwedeng magdrive. Naku! Dito ka manganganak! " (.______. )

"Betchay.. utak please. Utak. Tumawag ka ng taxi dun!!" utos ko sa kanya at parang ewan na lumabas. Habang ako ay papalabas na ng bahay na nakahawak pa rin sa tiyan.

Napaka good timing naman nitong baby nato. Kung kelan naghahanda ako para sa wedding anniversary ay ito pa ang nangyari. Tssk.

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon