BABY OUT! 20

12K 155 2
                                    

BO 20

< Crissy's POV >

Yun nga. Nakatulugan ko na lang ang pag iisip tungkol sa kung sino ang admirer ni Papa. Akalain mo yung may dala pang magagandang bulaklak para sa kanya? parang nanliligaw lang.

Speaking of panliligaw.

Matapos sabihin saken ni Raffy ang mga echos na yun ay wala namang nagbago. Minamasa niya pa rin ang mukha ko at ginugulo niya pa rin ang aking hairlalou. Siguro, naging sweet lang ang loko to the point na kahit nasa bahay na ako ay dala ko pa rin ang kilig. WAaaaa.

Sa paglipas ng mga araw ay nawala rin sa isip ko ang tungkol sa admirer ni Papa at natuon ang pansin ko sa pag aaral. Graduating na kasi ako.

Sa tuwing dumadalaw ako sa puntod ni Papa ay naroroon pa rin ang mga bulaklak. Hindi nga nalalantaan ng bulaklak e dahil laging may bago.

Minsan naisip kong dalhin si raffy para ipakilala sa papa ko pero naisip kong may tamang pagkakataon para roon. Siguro kapag kami na.

AWWW!

Shucks! ^///^

Oo. Pinaplano ko na siyang sagutin.  

NGAYON.

.....

Naglalakad kami ni Cha palabas na ng gate.

Tapos.. paglabas. The usual scenario.

Usual na gustong gusto ko.

Naghihintay si Raffy saken, nakasandal sa pinto kotse nito pero hindi naman kinakitaan ng pagkainip ang mukha niya. Nung nakita niya ako ay napangiti ito. Tumawid siya papunta saken pero hindi ko naman inalis ang tingin sa kanya at ganun rin siya.

Opo. Parang walang tao sa paligid kapag magkasama kami. Kulitan man yan o paglalambing niya, walang kaibahan.

"Nagustuhan mo ba ang tinitingan mo?" nakangising sabi nito. Tinaas ko ang kilay at umismid.

"Mas marami sa loob." balewalang sabi ko at mauna na sanang maglakad pero bigla na lang nitong pinulupot ang kamay sa bewang at hinila ako palapit.

"H-hoy!!" ^///^ namumula na ang pisngi ko dahil alam kong nakatingin ang mga tao samin. Nakapulupot ba naman ang kamay ni Rafael Lopez sa bewang ko. Jusko! 

"Anong sabi mo? pakiulit nga mushroom?" tanong nito saken. Tumingala ako at napangiti nung makita ko ang mukha nitong napakamaaliwalas. 

"Sabi ko.. ikaw ang pinakagwapo sa lahat ng mga nakita ko."

BABY OUT!! ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon