BO 13
< Rafael's POV >
"Ang sakit ng katawan ko!!!" daing na naman ni mushroom. Katatapos lang naming mag wake boarding at ito na siya, ngawa nang ngawa dahil raw masakit ang katawan. Hindi naman siya mamamatay dahil dun, uminom lang siya ng gamot at pahinga, tapos na yan.
I glanced at her. Basa pa ang buhok nito at mamula mula ang pisngi. Mainit kasi.
Kawawa naman.
"Ang sakit sakit sakit talaga ng katawan ko!! Lanjo! Hindi mo naman sinabi raffy na magpapabugbog pala tayo. Alam ko na yata ang pakiramdam ng isang battered wife. Pakiramdam ko ay dinaganan ako ng limang elepante at pinagpapalo ng buntot ng buwaya." angal na naman nito na tila hindi alam kung saang parte ang masakit. Nakakatuwa talaga tong babaeng to. Hindi pa ako nakakameet ng babaeng ganito katotoo sa sarili niya.
"Akin na nga yang bag mo." sabay kuha ng bag pero hindi naman binigay.
"Hindi.. ako na lang." nakabusangot pa rin ito.
"AKo na kasi.. baka ano pang mangyari pag hinayaan kita. Tsaka.. akala ko ba nag enjoy ka? bat aangal angal ka ngayon?"
"Nag enjoy?? Pano ba akong mag eenjoy kung lagi naman akong nalulunod at parang pinipilipit ang katawan ko?! Naman o."
"Hindi ka talaga nag enjoy kahitna hiningan ka ng cell number nung dalawang lalaki kanina? Ang laki pa nga ng ngiti mo."
>_<
Totoo yun. Tong kabuteng to.. ang laki ng ngiti nung nilapitan ng dalawang lalaki kanina. Kung nandun lang ako malapit sa kanya ay siguro nasapak ko na yung dalawang lalaking yun.
SUS! Style nila.. Tong babaeng to naman. Halos mapunit na ang bibig sa laki ng ngiti.
Tsss.
"Hindi a. "
"Hindi ka nag smile?"
"Nag smile siyempre.. alangan naman bastusin ko yung mga yun. Ikaw nga na suplado hindi ko binabastos e.. sila pa kaya na nakangiti saken?? Hello."
"AY talaga?? Hindi mo nga ako binabastos... minamaltrato mo naman ako."
"Hahahaha.. maltrato raw o. Mukha mo.!! Lika na nga." nakangiting sabi nito.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hinihintay namin ang speedboat.
Napansin kong nakatingin pa rin siya saken.
"O bakit nakatingin ka??"
BINABASA MO ANG
BABY OUT!! ~COMPLETED~
RomanceMiserable ang buhay ni Rafael Lopez. Right now he's not in the mood to look at the bright side of life. He's experiencing the worst feeling. He's surrounded by his most hated people. His life is kinda miserable. Buhay siya pero pakiramdam niya ay...
