BABY OUT! 6

16.9K 205 0
                                    

BO 6 

< Crissy's POV >

"Magandang UMAGA!!! Rise and shine Philippines!!" masaya akong nag unat. Tumalon. Kumembot kembot at nag jumping jack. Ang sarap ng tulog ko. ^_^

Ito ang kauna unahang pagkakataon mula nung maulila ako na hindi ako nagising dahil sa sigaw ni Tita Dolor or dahil umuuga ang kwarto ko dahil sa kalampag nila.

GOOD Vibes kayo diyan! GOOD vibes!!

Ngayon ang unang araw namin dito sa DAVAO, yung super FIRST day, at hindi ko alam kung anong pinaplano ni Rafael. (._.)

Dapat may gawin kami at dapat yung masaya. Binigay ko na sa kanya ang brochure ng mga activities na pwedeng gawin dito sa DAVAO. Lahat ng water sports na pwedeng gawin at mga adventure parks na pwedeng puntahan ay nandun na sa brochure kaya sana naman may naisip na yung kolokoy na yun.

Lumabas ako at nakangiting humarap sa labas.

*inhale*

"Ah! ang sarap ng hangin.." malamig at presko. Ito ang wala sa maynila. Hindi ko na pinag aaksayahang amuyin ng maigi ang hangin sa maynila dahil baka magka lung cancer lang ako.

Nakaharap ang pinto ng kwarto namin sa malaking bahay. Tapos yung bintana naman sa kusina ay kitang kita mula rito. Naroon si Nana Minda, nagluluto.

"Maayong Buntag Crissy!!" masayang sigaw ni Nana Minda at kumaway pa. Napakunot ang noo ko. Ano raw? Bisaya ba yun? Nagtatakbo ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina.

"Good morning Nana Minda."

"Good morning rin Crissy."

"Ano po sabi nyo kanina?"

"Sabi ko Maayong Buntag.. Magandang Umaga yun sa salitang bisaya."

"Ahh.. yun pala. Nakismile na rin ako kahit diko intindi.. mukhang hindi naman yun bad words e." napangiti ito.

"Nana minda.. kayo po mismo nagluluto ng mga kinakain ng guest nyo?" Tumatanggap rin kasi ng guests ang resthouse nato kaya natanong ko yun. SI Ninang Andie ang original owner pero pinagkatiwala nito kina Nana Minda ang pamamahala dito at kalaunan nga ay binigay na rin sa mga ito. Sadyang mabait talaga si Ninang. :-)

"Oo.. katulong ko sa pagluluto sina Marie at Mimi, yung asawa ni Jojo." abala si Nana Minda sa paghahalo ng mga sangkap.

"Kayo po ba ang bahala kung ano ang lulutuin or yung guest?"

"Depende yun sa gusto ng guest. Minsan yung iba tumitingin talaga sa menu, yung iba naman sinasabing kakainin kung ano ang ihahanda namin. Pero, kadalasan ng mga guests namin dito ay mga specialty namin ang gusto nilang ihain namin sa kanila. Yung mga pagkaing pinoy ang gusto nilang matikman."

BABY OUT!! ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon