BABY OUT! 12

12.6K 185 7
                                        

BO 12

< Crissy's POV >

May kung anong kumikiliti sa tenga ko. Kanina ko pa yun inaalis pero bumabalik ulit.

"Mmmm..." sabay kamot ng tenga ko pero lumipat naman sa kabila.

"MMM!!!" Aish!! May langgam yatang pumasok sa tenga ko ah.  

Dahan dahan kong dinilit ang mata ko. At oh wow.. isang gwapong nilalang ang nakatunghay saken. Gwapo naman niya. Ang mga mata niya.. sobrang parang hinihigop ako at nakakatunaw rin kung tumitig. Para akong yelong nakabilad sa araw at unti unting natutunaw.

"Yelo.." nasambit ko. Bilang napakunot noo ang lalaki.

"Ha?" sagot nito. Bingi pa yata ang gwapong nilalang nato.

"Yelo..." inulit ko pa.

"ANONG YELO???" biglang sabi nung lalaking kamukha ni raffy.

O_O

Rafael ba kamo??

Napadilat ako at pumikit ulit.  

Dumilat ulit.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!"  sigaw ko nung narealize ko na si Rafael nga ang naa harapan ko at nakatunghay saken. 

Sumimangot lang ito.

Bigla kong naalala na kagigising ko nga lang pala. Tinakpan ko ng kumot nag bibig ko.

"RAFaEL??? Bakit ka nandito?? ANong ginagawa mo??? Te--teka.." pinakiramdaman ko ang sarili.

ooOo (..) ....

Hindi ako pinagsamantalahan ni Rafael.

"Hey.. hindi kita nirape kung yan ang gusto mo."

o_o

Ano raw?? Ang yabang lang a. 

"Echoserang palaka to. Bakit ka ba kasi nandito? Pano ka nakapasok?"

Humiga lang ito sa kama ko at ginawang unan ang dalawang kamay. Relax na relax lang a. Parang nagsasunbathing lang sa boracay a. Hanep. Dyahe namn tol.

"HOY!!!" pinalo ko ng unan kaya biglang bumaling saken.

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon