BABY OUT! 11

13.4K 157 0
                                        

BO 11

< Crissy's POV >

Pagkagising ko ay hindi na muna ako naligo. Mamaya na after mag almusal para fresh. ^_^ Ginawa ko lang ang mga morning rituals ko, unat2x tapos dumiretso na ako sa kusina at tumulong, more of nakigulo, kina Nana Minda. Konting kwentuhan at ilang sandali pa'y nagtaka na ito kung bakit wala pa si Rafaela the menace, joke.

"Hindi pa rin ba gumigising si Rafael hija?" baling saken ni Nana Minda habang nakatunganga lang ako dun.

Napakunot ang noo ko at tiningnan ang kwarto ni Rafael.

"Mukhang hindi pa ho." sagot ko naman. Napagdesisyunan kong tumayo na at ako na ang gigising sa lalaking yun na prinsipe yata ang tingin sa sarili at kelangan talagang estimahing mabuti. Siguro napagod yun sa nangyari kahapon.

Hinabol kaya kami ng aso kahapon. Remember?

Tsk2x.

"San ka pupunta Crissy? aba'y kakain na tayo a."

"Gigisingin ko lang po yung lalaking yun para sabay2x na po tayo." nakangiting sabi ko sabay alis.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Marie na nakikipag usap sa mga halaman nito.  

Opo. Ganun siya at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang pagtawanan sa sarili niyang kabaliwan. Walang basagan ng trip e.

"Good morning Marie." bati ko sa kanya. Tiningnan ko ang paligid. May mangilan ngilang bulaklak na naroroon. Halatang alagang alaga. Nilapitan ko ang isang sunflower na napakasayang tingnan dahil napakatingkad ng kulay nito.

"Good morning Crissy.. san ba punta niyo si Raffy ngayon?" nakangiting tanong nito. Base sa mga nalaman ko kagabi ay mas lalo akong humanga sa kanya. Ang tapang tapang niya kahit na mukha siyang babaeng hindi makabasag pinggan.

"Ahmm.. Zorb Ball yata kami at hindi ko na alam kung san pa kami pupunta pagkatapos dun."

"Ahh.." tiningnan ko siya dahil mukhang nag iisip ito at may gustong sabihin pero nag aalangan lang.

"May gusto ka bang ipabili?"

"AHh..Kasi.. gusto ko sanang magpibili ng cake." Gotcha.

 Pero..

O_o

CAKE?

"Bakit? Anong okasyon?"  

Kagabi lang Happy Blind day nito tapos ngayon meron na naman?

"Birthday ni Nana Minda."

O_O

"Talaga??? Ang galing naman!!" ^______________^ FOod! FoOD! FOOD!!

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon