BABY OUT! 22

11.4K 148 1
                                        

BO 22

< Crissy's POV >

"WHAAAT???" nakakabingi talaga ang sigaw nitong Charitong to e. Lagi na lang ganito ang buhay ko sa tuwing nashashock siya.

"Crissy ah.. OA na sa drama ang nangyayari sa life mo. Bakit pang teleserye naman yata ang mga pangyayari this past few days? Hindi na ako magtataka kung sa susunod na episode ng MMK ay story mo ang ifeature." dagdag pa nito habang umiinom ng softdrinks.

Kinuwento ko na kasi sa kanya ang pagkikita namin ni mama sa sementeryo. Ito nga at katakot takot na reaksyon ang nakuha ko mula sa kanya.

"Pano yan Crissy? patatawarin mo ba?" tanong niya saken. Tumingin lang ako sa kanya saka bumontong hininga.

"Hindi ko pa rin alam." sagot ko na lang. Alam ko naman yata e pero ayaw ko lang aminin.

"Hindi mo talaga alam friend? O baka naman ayaw mo lang magpakatotoo?"

"Cha naman e."

"Cris.. hindi ko man naranasan ang mga naranasan mo pero naiintindihan kita. Maniwala ka. Alam ko kasi ang mga hirap na pinagdaanan mo e lalo na nung nawala ang Papa mo pero isipin mo rin na mama mo yan. Kapamilya at kahit ano pang gawin mo, nanay mo siya. "

Haaay.

"Mahirap rin kasing kalimutan yun lahat, yung sakit na naramdaman ko. Yung pang iiwan niya samin na para lang kaming kung sinong pwede niyang iwanan at pwedeng balikan."

"Kala ko dapat hindi na binabalikan pa ang nakaraan? Bakit ka nag fofocus sa pang iiwan sayo kung pwede naman ifocus ang pagbabalik niya?"

Boom. Tama nga naman si Cha.

"Pero ang hirap e." *pouts*  

T_T

"Wag mong biglain.. maiintindihan ka ng mama mo. Pero, bumabawi naman diba?? sabi mo nga kinausap na si Tita mo dahil gusto ka niyang kunin at tumira kasama niya. Why not give it a try? Kayo na lang dalawa ang magkasama Cris. "

Nakakailang puntos natong si Cha a.

"San ka ba namumulot ng mga words of wisdom na yan??"

"Hello! Pinag aaralan ko kaya yan dahil alam ko namang hindi ko magagamit sa sarili ko. E di sayo na lang! "

Napaisip ako dahil sa mga sinabi ni Charito. Kinausap rin kasi ako ni Mama kahapon. Nung nakaraang araw nagkita kami tapos kahapon kinausap niya agad ako. Gusto raw nitong bumawi kahit na galit pa ako.

Hindi naman ako galit e.  

Gusto ko ngang magalit pero hindi ko yun mahanap sa puso ko.

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon