BO 10
<Rafael's POV>
Ang tagal naming nagtampisaw ni mushroom at bandang 2pm lang namin naisipang umuwi na. Nagbihis lang ng matinong damit at nagsimula nang maglakad papunta sa may entrance. Habang naghihintay ay nagkukwentuhan kami. Nalaman kong ang mama niya ay nangibang bahay na samantalang ang papa nito ay sumakabilang buhay na (yun ang mga TERMS na ginamit nito. ibang bahay at kabilang buhay. Astig!!) habang kumakain sa isang turo2x at may nagbanggaang sasakyan at taxi, nadamay. Nacomatose pa raw ng apat na araw pero nawala rin.
"Hindi ka naghabol ng tulong?? Or nag demanda??"
"Bakit pa? hindi rin naman maibabalik nun ang buhay ni papa." naisip ko tuloy ang pamilya ng mga nadamay sa aksidenteng ako ang may kasalanan.
Magtatanong pa sana ako kung kelan nangyari yun dahil baka makatulong ako para sa tulong na dapat makuha ni Crissy nung tumunog ang cellphone nito.
"HEllo... (kinig). O kuya jojo?" nakakunot ang noo nito tapos ay binigay saken ang cellphone.
O_O
"Ah... matatagalan po ba yan?"
[Medyo matatagalan po ito Sir. Nandito kasi ngayon sa downtown e..diniretso ko na talyer kasi ayaw talaga. Wag kayong mag alala dahil ipapakuha ko kayo kay Kuya Edgar.]
"Wag na lang Kuya Jojo. Marami namang dumaraan dito na sasakyan diba?"
[ Oo naman.. at merong terminal ng mga motor na malapit pero lalakarin nyo pa.]
"Sige. Dun na kami sasakay.. wag nyo na po kami ipasundo." Humingi ulit ng paumanhin si Kuya Jojo at nagpumilit pa na ipapasundo na kami pero i insisted na wag na. Gusto ko rin maranasan ang mag commute dito.
"Nasiraan raw yung sasakyan tapos nandun pa sa downtown. Sakay na lang tayo ng motor.. lalakarin lang natin ang terminal."
"GO ako diyan."
Nakakailang metro na siguro kami pero walang dumaraang motor. Puro private na kotse o van ang dumaraan. MAy motor nga pero puno naman ng pasahero.
Naglalakad kami nung napansin kong bigla na lang namutla si Crissy.
"Crissy?? Napano ka?" tanong ko sa kanya. Bigla itong tinuro ang kung ano mang nakita nito. PAgtingin ko. 2 asong itim ang nasa kabilang dako ng kalsada.
Shit!
"Relax ka lang. Hindi naman siguro yan mang aano." sabi ko sa kanya para lang huminahon ito. Lalo pa itong sumiksik saken.
"May phobia ako sa aso. Please lang."
"Hindi yan."
BINABASA MO ANG
BABY OUT!! ~COMPLETED~
RomanceMiserable ang buhay ni Rafael Lopez. Right now he's not in the mood to look at the bright side of life. He's experiencing the worst feeling. He's surrounded by his most hated people. His life is kinda miserable. Buhay siya pero pakiramdam niya ay...
