BO 21
< Raffy's POV >
Kung binilang ko lang siguro ang buntong hininga ni Mushroom, siguro lampas 20 na. Mula kanina ay hindi na ito ngumiti man lang kahit konti. Ano kaya problema niya? Hindi pa rin niya sinasabi. Gusto kong malaman para matulungan pero nirerespeto ko rin naman na tahimik muna siya.
Mukhang malaking problema to.
Sinusulyapan ko lang siya na nakaupo dito sa tabi ko. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito at hindi ko yun gusto.
Hindi ko nagugustuhang nakikita ko siya na umiiyak at parang bata na walang ibang matakbuhan. But i am glad at the same time dahil nakita ko siya sa ganitong paraan. I mean, nakikita siya on a different light. Mas nakikilala ko tuloy ang pagkatao at nagugustuhan ko naman yun. Mas lalo ko siyang nagugustuhan.
Kaninang pinuntahan ko siya sa school nila, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para lang maalis ang kung ano mang nagpapabigat sa pakiramdam nito.
Ang mga taong malakas magpatawa at laging masaya raw ay mga taong mababaw rin ang mga luha at maraming beses nang nasaktan.
I now believe it.
Nag drive lang ako at siya naman ay sobrang tahimik lang. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero alam kong sasabihin rin niya mamaya. Ano kayang posibleng nangyari?
Buntis siya?
Peace^__^v Imposible yun.
Hindi ko nga pinagsasamantalahan to e. Sa isip ko pa lang. ~_^
"Mushroom? dito na tayo." untag ko sa kanya. Dun palang ito tumingin sa paligid at nagtatakang tumingin saken.
I just winked at her.
"Don't worry.. hindi pa kita tinatanan. "
Napangiti naman ito. I like that more. Yung mga ngiti niya pero hindi pa rin umabot sa mata. (-_-)
Tumingin siya sa paligid. Nasa labas kami ng fence leading to a Beach Resort.
Napatingala siya saken.
"Dun tayo sa likod ng kotse ko. Mamaya na tayo pumasok." ayaw ko sa kanya at naupo na kami dun. Tahimik lang ako at pinakiramdaman ko lang siya. Kung may sasabihin naman siya ay makikinig ako.
"Raf... yung nanay kong nangibang bahay. Nagbalik bahay na." diretsong sabi nito.
o_o
Napatingin ako sa kanya. Konti lang ang alam ko tungkol sa mama at papa nito. Hindi kasi talaga namin pinaguusapan yung mga bagay na yun. Mas pinag uusapan kasi namin ang relasyon nila sa isa't isa at nalulungkot lang kasi siya kaya iwas na lang sa topic na yun.
BINABASA MO ANG
BABY OUT!! ~COMPLETED~
عاطفيةMiserable ang buhay ni Rafael Lopez. Right now he's not in the mood to look at the bright side of life. He's experiencing the worst feeling. He's surrounded by his most hated people. His life is kinda miserable. Buhay siya pero pakiramdam niya ay...
