BABY OUT! 5

16.3K 208 13
                                        

BO 5

Nabigla ako nung biglang hinawakan ni Rafael ang kamay ko. Kinaladkad ba naman ako palabas e. Si Ryan yun diba? Kapatid niya.

Mas gwapo pala sa personal.

^___^

Ang alam ko mas matanda yun kay Rafael ng dalawang taon e.

Magkasing height lang pala sila. Ang main difference nga lang ay ang kutis. Si Ryan ay maputi na parang lumaklak ng sangkatutak na glutathione samantalang ito namang si Rafael ay moreno. Maganda ang kutis nito sa totoo lang. eeEe.

Pasado saken ang kutis ni Rafael. Mas gusto ko kasi sa lalaki yung moreno, yung tama lang. Parang Richard Gomez. Lalaking lalaki kasi. Ayoko ng masyadong maputi, dyahe yun kung sakali a. Yung boyfriend mo mas maganda ang kutis sayo.

HEhehehe.

Tiningnan ko si Rafael. Biglang uminit ulo nito pagkakita kay RYan. Anong issue nilang dalawa? Dahil anak sa labas si Ryan? Ganun ba yun?

Hanggang nakasakay kami ng taxi ay hindi pa rin binibitawan ni Rafael ang mga kanang kamay ko. Nakakailang tuloy.

=///=''

First time ko kasing may ka holding hands e!! Waaaaaaaaaa!! Wala na. May first holding hands na ang kamay ko. Wala na. *sad face*

"Ahhmmm.." paunang sabi ko. Hindi ko alam pano sasabihin e kasi mukhang bad trip na naman siya. Nagpang abot na naman ang kilay tsaka seryoso ang mukha. Ganito ba talaga to ka bugnutin??

"Why??" lumingon siya saken. ANg kapal ng muks a..siya pa may ganang mag why? Samantalang siya ang nanghaharass ng kamay ko. Pinipilipit na niya.

"Yung kamay ko. Masakit na." nakangiwi na ako at tinuro ko ang kamay ko. Napatingin naman siya dun at agad na binitiwan yun na parang nakahawak ng mainit na bagay. PArang namula pa yata. TEENAGER?? PEE BEE BEE TEENS??

"Bat di mo sinabi agad?" paasik na sabi nito.

"Ay! nahiya naman ako sayo. Sorry a hindi ko sinabi agad..napilipit mo tuloy ang kamay ko." pilosopo kong sagot sa kanya.

Tinapunan lang ako ng tingin. MASAMANG tingin. Parang kasalanan ko pa.

"Construction worker ka ba?" napakunot ang noo ko sa tanong na yun. Totoong tanong o pick up line?

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon