BABY OUT! 3

16.6K 240 12
                                        

BO 3

< Crissy's POV >



"HOY!!! Criselda!! Aba'y gumising ka na diyang hinayupak ka!!!" aray naman! Ang ingay.

Kinuha ko ang unan at tinakip yun sa ulo ko, para naman humina ang boses ng halimaw sa panaginip ko. Parang totoo e.

"HOY!!!! Criselda!! bumangon ka na diyan!! Para kang donya a!!" sigaw ulit nito.

Dumilat ako.  

Totoo pala. Umaalog ang kaharian ko e. (=_=)

Shet, ang sama ng alarm clock ko. Isa ang tunog na yan sa mga pinakaayaw kong marinig. Nakakabad vibes, nakakasira ng araw at nakakaimbiyerna. Lahat na.

Isang malakas na kalabog pa sa dingding ang nagpaalog ng bodega este ng 'kwarto' ko raw na bodega rin naman talaga.

"Ito na po tita." sigaw ko. Niligpit ko na ang hinigaan ko.

"Criselda!! Magluto kana.. gutom na ako." sigaw ni Marlon. Pinsan ko.

Mula nang mamatay si Papa ay dito na ako nakitira sa bahay nina Tita Dolor. Masasabi kong hindi talaga bukal sa loob ng tiyahin ko ang patirahin ako rito, parang SOBRANG pabigat ang turing saken. Wala akong magawa dahil wala akong ibang malapitan nung namatay si Papa at wala rin naman akong kamag-anak na nandito sa maynila. Kinupkop nila ako dati sa pag aakalang may pera ang Papa ko na nilaan para saken, tapos nadiskubre lang nilang wala na pala. Naubos lahat. Kaya ayun, ang sama ng treatment saken. (-_-)

May sakit kasi si Papa kaya wala kaming pera pero ang masaklap nito ay hindi yun ang ikinamatay niya. Namatay siya sa ibang paraan. T_T

Lumabas na ako ng kwarto at nadaanan ko si Jenny na nakikipagchismisan gamit ang cellphone nitong sobrang haytek. May motion sensor, sensitive ang cellphone niya. Buti pa ang cellphone niya sensitive, e siya?? Never mind.

Dumiretso na ako sa kusina at nagluto ng kanin at ulam. Pang almusal. Pagkatapos nun ay nag agahan na kami.

"Tita.. ahmm.. pwede po ba akong umalis?"  

Tumingin siya saken.

"Aba'y oo naman. Pwedeng pwede.. buti't naisipan mo nang umalis." masayang sabi nito. >_< sarap pektusan ng tiyahin ko noh?

Tumawa si Marlon (adik e), si jenny naman ay nagtitext habang kumakain, si Ana at Isay lang ang tumingin saken na parang nalungkot sa sinabi ko at sa inasal na rin ng ina nila. Buti pa ang mga bata.

"Ahmm... may gagawin po kasi kami.. dalawang linggo po."

"Dalawang linggo lang? Umalis ka. Wag ka lang manghihingi saken ng pera. Wala akong mabibigay sayo at bago ka umalis ay maglinis ka naman muna." tila dismayadong sabi nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon