BABY OUT! 16

11.3K 161 0
                                    

BO 16

< Raffy's POV >

"Kung sino man siya.. malamang ubos na ang energy niyan sa kakatakbo diyan sa utak mo." napahinto ako sa pagmumuni muni pagkarinig sa boses na yun.

Napangiti ako.

"Tita Andie." tumayo ako at humalik sa kanya.

"Napadaan na ako dahil may pinuntahan ako diyan sa kabilang building. Hmmm.. only to see you here,, smiling. Nakangiti kang mag-isa raffy. Dapat na ba akong mabahala pamangkin?"  

I chuckled.

"Tita naman.. i was thinking of something." liar.

"Ah hmmm. Something?? "

"Yeah."

"Nakita kitang lumaki, nagkaisip, nagkacrush, umiyak dahil sa isang laruan, nakita kita at your lowest point at nakita kitang sumaya ulit. I've seen you when you lied to your parents.. and now.. i can see that you're lying to me. Sino ang iniisip mo?"

Napangiti ako.

"You knew me very well."

"Of course."

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. She rolled her eyes.

"Okay then... kung ayaw mo pang sabihin, i will respect that. Dalaw dalawin mo naman ako sa lungga ko Rafael, that place needs to see a gorgeous hunk para naman mabuhay. " tumayo na ito at tila aalis na yata.

"I will go there Tita just like old times." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya Rafael. Im really happy." niyakap niya ako.

Ilang yakap na ang natanggap ko. Ganun ba talaga kalaki ang pagbabago ko? GOd. Napakamiserableng tao ko ba talaga dati?

Hinatid ko na si Tita palabas ng kumpanya. I promised to have lunch with some other time.

"Please lang naman hijo.. wag kang mag trabaho nang mag trabaho ha."

"Opo maam.. marami lang akong inaasikasong mas importante ngayon tita kaya naglalagi ako sa opisina ko pero kapag natapos nato.. i promise to visit you kahit araw2x pa." Napangiti naman siya sa narinig.

"Mas importante? WOW. You mean.. more important than work?"

"Hmmm.. yeah."

"Babae? "

"NO.. mga bagay na kelangan kong gawin."

"Ahh.. mabuti naman.So, I'll good ahead. Take care of yourself okay?"

BABY OUT!! ~COMPLETED~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon