BABY OUT! 4

15.4K 226 10
                                        

BO 4

< RAFAEL's POV>

I have no choice and no other choice at all. What the heck is happening with my life? Ngayon lang ako naubusan ng choice sa tanang buhay ko.

3 days ago lang nakita ko tong babaeng to sa opisina at sinabihan akong magbakasyon. Tapos magigising ako isang umaga na nasa loob siya ng pamamahay ko na may dalang travelling bag at lalait laitin ang pamamahay ko. At ang pinakamalala ay wala akong choice kundi sumama sa bakasyon na sinasabi niya.

Tinawagan ko na si Tita Andie to check kung totoo ang mga sinabi saken nung mushroom and she told me about this vacation. Concern siya saken pero bakit ba hindi nila maintindihan na okay lang ako?

I had an accident 7 months ago and yeah it almost killed me pero hindi naman ako natrauma sa insidenteng yun. Putchax na buhay to!!

Tumunog ang cellphone ko habang pinapaalis ko ang mushroom na yun. Pagkalabas na pagkalabas niya ay sinagot ko agad ang cellphone ko.

"Hello!"  

[Raffy,] kelan ba matatapos ang kamalasan ko? Kailan?

"What do you want?!" paasik na tanong ko.  

[ Dad told me about the company. Kung ayaw mong ihandle ko, ayos lang saken.]

"Tss. Alam ko kung anong habol mo Ryan. Wala namang nakakakita sayo ngayon kaya wag ka na magpakaplastik dahil hindi ako madadala diyan. Ang lakas mong mapapapel a. Epal na epal. Sayo na lahat. Kung yan ang gusto mo!"

[ Wala akong balak kunin ang kung anong meron ka Rafael. Gusto ko ng tahimik na buhay. Pero, gusto ko rin na magkasundo tayo.]

"Magkasundo?? you piece of shit!! Magkakasundo tayo pag binuhay mo ang mommy ko!! Go to hell!"  

[ Papunta na ako diyan. Mag usap tayo, ayoko ng gulo. Kung anong gusto mo, gagawin ko. Kung gusto mong mawala ako, gagawin ko. ]

"Go to hell!!" sigaw ko sabay OFF phone.

Sinabi ba niyang pupunta siya dito?  

 Pupunta siya dito? I don't want to see his effing FACE!!

Lumabas ako ng unit ko. Sana hindi pa nawawala yung mushroom na yun.

Paglabas ko ay yun na at malapit na sa elevator. Laglag ang balikat and.... Nice Butt.

Pilig ng ulo. Concentrate Rafael.

"Hey you!!" sigaw ko pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad. ABa't nagdadrama pa yata to a.

"Hey you!!!" sigaw ko ulit. Huminto pero... tumingin sa paligid.. Tanga talaga. Tama bang tumingin rin sa baba? Ano akala niya saken? Duwende. >_<

"Hoy!!! Babaeng Mushroom!!" sigaw ko at mga 2 segundo ay lumingon na ito. Ganun ba katagal mag process ng utak nito??

BABY OUT!! ~COMPLETED~Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon