BO 9
< Rafael's POV >
Isang malaking ngiti ang sinalubong ko sa umaga. Kung marunong lang sigurong magsalita ang araw, nagtaka na ito kung bakit nakangiti ako e ako lang naman mag-isa dito sa kwarto.
Pano ba naman kasi... naalala ko ang kulitan namin ni Mushroom kagabi. Ang lakas ng tawa nito habang kinikiliti ko. Tsk2x.
Nakahiga pa rin ako sa kama ko ngayon, pinag cross ang mga binti ko at pasipol sipol pa.
Deym! Ako pa ba to?? Kung nandito lang sina Jon, tiyak kong pagtatawanan ako nung mga yun.
I wish they're here to tell me what this is about.
Hindi ko na rin kasi alam ano ba tong pakiramdam nato. First time ko tong maramdaman e.
Whew! Strange. Kapag nakikita ko si Crissy at naaalala ang mga kakulitan namin napapangiti talaga ako. Ang gaan kasi niyang kasama.
Pagtingin ko sa relo ko.
O_O
"Crap!!" agad akong bumangon at tinakbo na ang banyo. 8am na pala. Mabilis akong naligo at nagbihis.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay automatic na napadako ang mata ko sa pinto ng katabing kwarto. Nilingon ko ang malaking bahay. Nandun si Nana Minda sa kusina. Sina Kuya Jojo naman ay nasa beach at naglilinis. Si Marie.. ayun. Busy sa mga alagang bulaklak.
"Hindi pa yata gising a." Lumapit ako sa may pinto nito.
Gigisingin ko ba? Or hindi na lang siguro.
Teka.. bat ako naguguluhan kung anong gagawin ko??
Grow some balls Rafael!
Babae lang yan tapos biglang hindi ka na sigurado sa mga gagawin mo? Hanep tol!! Gara a.
Sige. Gigisingin ko na lang, ayos lang naman kahit na isipin niyang sinadya ko talaga ang kwarto niya. Mag aanim na araw pa lang kaming magkakilala pero ayos lang naman yun.
Pinorma ko na ang kamay ko at kumatok na.
"Aray!!!"
O_O
Nag angat ako ng tingin.
"Hoy Rafaela! ALam kong malapad ang noo pero hindi naman yata tamang gawin mong pintuan at katukin mo talaga!" nakasimangot na sabi nito na nakahawak pa sa noong kinatukan ko.
BINABASA MO ANG
BABY OUT!! ~COMPLETED~
RomanceMiserable ang buhay ni Rafael Lopez. Right now he's not in the mood to look at the bright side of life. He's experiencing the worst feeling. He's surrounded by his most hated people. His life is kinda miserable. Buhay siya pero pakiramdam niya ay...
