Prologue

202 7 0
                                    

Minsan, may mga desisyon tayong ginagawa para sa ikabubuti ng lahat, kahit ang kapalit non ay ang mismong kaligayahan natin sa taong minsang ipinaramdam sating hindi mahalaga sa kanya ang magkaibang estado nyo sa buhay. Na handa kang ipaglaban sa kahit na kanino.

"Ano? Nasaan na? Malapit na ang intermission number nila!" halos maghisterikal na ko dito dahil wala pa yung bandang susunod na tutugtog.

"Pres., nasa labas na daw po sila," hinihingal na sabi ni Rose nang makalapit sakin.

Ilang minuto lang ay naglalakad na sila papunta dito sa back stage. Sila ang banda na tinitilian ng lahat dito lalo na ng mga kababaihan. Ang bandang binuo nya.

"Haaay nako, kahit kailan talaga mga pa-importante kayo!" masungit kong bungad sa kanila.

"Pres. Naman, wag ka namang masungit dyan, sayang ganda oh," nakangiting sabi ni Ken.

"Mag-ayos na kayo at susunod na ang intermission number nyo." masungit kong tinignan silang 4.

"Kung ako lang, ayoko namang tumugtog dito eh." parinig ni... Stephen. Ang leader ng banda nila.

Aaminin ko medyo naapakan ang ego ko don.

"The feeling is mutual Stephen. Kung ako lang din, ayokong kasama kayo sa mga tutugtog ngayon." pagsisinungaling ko. Ang totoo, gustung-gusto kong nagpe-perform sila. Alam ko kasing doon nya nae-express ang sarili nya.

"O tama na yan. Awat na muna huh, para naman kayong walang pinagsamahan nyan eh." tukso ni Fred.

"Shut up Frederick!"saway ko. "Sige na, mag-ayos na kayo,"sabi ko at naglakad na paalis doon.

Haaaaay... Limang taon na rin pala ang nagdaan. Limang taon ng pagkukunwari. Limang taon na kahit papano ay hindi ko naman pinagsisihan, dahil sa limang taon na yon... Lumingon ako sa kinaroroonan nila at hindi ko inaasahang nakatingin sya sakin. Hindi ko mabasa ang nakikita kong emosyon sa mga mata nya. Ako ang unang nailang kaya iniwas ko ang mga mata ko at naglakad na. Sa limang taong wala ako sa tabi nya... mukha namang mas naging okay ang buhay nya. Tama lang na pinakawalan ko sya noon.

Dumiretso ako sa ladies' room. Sakto naman at walang tao. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at mapait na ngumiti. Unti-unting bumalik uli sakin kung paano kami nagkakilala 5 years ago...

Way Back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon