Umpisa ngayon ng buong araw kong pagiging PA ni Stephen. Umagang-umaga ay naghahanda na sya para sa isang Morning Show. Haaaay.
"Kuhanin mo yung black shirt ko dyan," utos nya sakin.
"Black? Ano ka may lamay? Bakit black? Black na nga jacket mo, black pa ang t-shirt mo. Hello! morning show po kaya yung kakantahan nyo," aniko at kinuha ang blue nyang shirt. "O ito, bagay sayo," aniko at tumingin sa kanya. Nagulat ako nung nakatingin sya sakin. "O bakit?"
"Wala. Ang daldal mo," aniya't nakinig na uli ng music.
Katok sa pinto ang nakapukaw sa atensyon namin.
"Come in," aniya.
"Pare!" masayang pasok nila Fred at biglang natigilan nang makita ako.
"Ahh.. Hi," alanganin kong bati sa kanila.
Tinignan nila kaming dalawa.
"Shiela?" ani Euler.
Ngumiti ako. "Hmm... Last time I checked, ako nga si Shiela," biro ko sa kanila.
Nagulat ako nung yakapin nila ko. "WAAAAAH! SHIELA!! HAHAHA. WOOOH! Buo na ang barkada! Nandito na uli yung muse natin!" kwelang sabi ni Fred.
"She's my new PA," seryosong sabi ni Stephen. "Nasan na yung damit ko?"
Agad akong lumapit sa kanya. "Eto na oh," inis kong sabi. Ang KJ kasi eh.
"Anong sabi mo?" seryoso nyang tanong.
Pilit akong ngumiti. "Eto na po ang damit nyo, sir," malumanay kong sabi at inabot sa kanya ang damit nya.
"Kayo na ba uli?" tanong ni Euler.
"Hindi. PA nya lang talaga ko." sagot ko.
"Uy alam nyo, naisip ko lang,.. pwede nating bigyan ng rendition yung kanta 'Muling ibalik' di ba? Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal. Muling iba- Aray!" angal ni Fred nung batuhin sya ng suklay ni Stephen.
"Manahimik ka dyan," ani Stephen.
"Wushu... gusto naman nya, hahaha. Kung ayaw mo non, yung ano na lang..."
"Frederick, ibabato ko tong upuan sayo," seryosong sabi ni Stephen.
"Shiela oh," aniya at nagtago sa likod ko.
Natatawa tuloy ako sa kanila.
"Wala ka pa ring pagbabago Fred. Isip bata pa rin," aniko at ginulo ang buhok nya.
"Shiela, 20 minutes inayos ang buhok ko, ginulo mo lang," parang bata nyang sabi.
"Ay! Sorry. Akin na, aayusin ko," sabi ko at pinaupo sya sa upuan. Inayos ko ang buhok nya. Yung tingin kong mas bagay sa ugali at edad nya.
"Wow Shiela, pwede ka pala maging stylist. Ganito na lang lagi ang buhok ko. Mas gwapo ako dito oh. Tsk tsk. Wala pareng Stephen, taob ka na sa ka-gwapuhan ko," aniya at nagpa-cute pa sa harap ng salamin.
"Mas bagay sayo yan Fred." aniko.
"Mas gwapo na ko kay Stephen?" tanong nya.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...