Chapter 12: Together Again

97 4 0
                                    

Haaaaay, grabe pala talaga ang schedule ni Stephen. Isang linggo pa lang akong kasa-kasama nya ay pagod na pagod na ko. Lagi syang may pinupuntahang lugar. Madalas kasama ang buong banda, pero merong ilan na sa kanya lang, tulad ng ilang pag-guest nya sa mga TV series. Haaaaay, talagang nakakapagod to. Kaya pala nagkakasakit sya eh.

4am pa lang naghahanda na ko ng breakfast at pang lunch nya mamaya. Kapag may morning interview sya o events ng umaga, dito nya ko pinapatulog. Magkaiba naman kami ng kwarto kaya okay lang.

Sa isang linggo kong pagiging PA nya, hindi pa rin nawawala ang kagaspangan ng ugali nya. Kung anu-anong inuutos kapag inis sya. Hmp!

Napansin ko ang radio na nasa ibabaw ng ref. Nagpapakulo pa naman ako ng manok na ititinola ko kaya kinuha ko iyon at binuksan.



Napangiti ako ng tamang-tama na rendition ng Black Po-faced sa kanta ni Avril Lavigne na 'What the Hell' ang patutugtugin.

~ You say that I messing with your head,

All 'cause I was making out with your friend,

Love hurts whether it's right or wrong,

I can't stop! 'cause I'm having too much fun, yeah ~

Grabe, ang ganda talaga ng boses nya.

Naisipan kong sabayan ang kanta habang kumukulo yung manok na niluluto ko.

~ You're on your knees,

begging please stay with me,

But honestly I just need to be a little crazy, ~

Hiniwa-hiwa ko na ang sayote habang kumakanta.

~ All my life I've been good,

but now, I'm thinking 'What the Hell'

All I want is to mess around,

and I don't really care about ~

Hinulog ko na ang sayote sa kaserola.

~ If you love me,

If you hate me,

You can save me, baby, baby ~

Kinuha ko ang sandok at ginawang mic.

~ All my life I've been good,

But now, woah...

What the- ~


Paglingon ko.

"Sh*t!" nabigla kong sabi nang makita si sir Stephen na nakasandal sa pader.



"I don't remember saying "Sh*t" on that song," sambit nya.

"Ahh.. ano sir, pasensya na, nagulat lang naman ako eh, pasensya na kung yun ang nasabi ko," hinging-paumanhin ko. Shaks! Nakakahiya eh.


"Kailan ka pa natutong magkahilig sa mga kanta? Di ba wala kang hilig noon don?" tanong nya at kumuha ng tubig sa ref.


"Yung totoo ba?" alanganin kong tanong.

Seryoso nya kong tinignan.

Napatingin ako sa sahig at wala sa sariling napangiti.

"5 years ago... nung kinantahan ako ng ex ko sa harap ng mga estudyante sa quadrangle ng school namin noon.

Way Back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon