SHIELA'S POV
Pagkarating namin sa parking ng hotel na tutuluyan nila sa Baguio ay agad kaming sinalubong nila Fred. Inayos ni Stephen ang suot kong cap at shades. Alam nyo na, big stars ang mga kasama ko kaya baka ma-issue kami.
"Naks, mukhang masayang-masaya ang pareng Stephen ah, solong-solo si girlfriend sa byahe." panunukso ni Fred.
"Siraulo ka talaga. Mamaya ka na mangulit, ngayon ko naramdaman yung pagod hehe. Feeling ko makakatulog ako ng ilang oras." aniya at inakbayan ako.
"Pssst." saway agad ni Cliff dahilan para tanggalin ni Stephen ang braso niya sakin.
"Oops! Sorry, hehe. Nadala lang," nakangiting sabi niya. At inayos din ang cap niya.
Natawa naman ako ng mahina sa kakulitan nila hahahaha.
"Gusto niyo ba munang kumain para makatulog na agad kayo?" ani Cliff at tinignan ang relo niya. "You still have 3 hours para makatulog bago tayo magprepare sa Mall Show nyo." dagdag niya.
"Gutom ka na?" tanong niya.
"Hindi pa naman." aniko. Kumain kasi kami kanina pagdaan sa Pangasinan.
"Ako rin. Mamaya na lang kami kakain Cliff. Pwede bang magpahinga na muna kami?" ani Stephen.
"Okay." aniya at may iniabot na hotel key kay Stephen. "Yan ang susi ng room niyo. Eto naman ang satin Shiela." banggit niya at binigay sakin ang isa pang hotel key.
"Wait, kasama nyo matutulog si Shiela?" tanong ng boyfriend kong seryoso na naman.
"Yeah. Kami nila Lloyd ang kasama niya." tukoy niya dun sa secretary niyang beki din.
"No. Hindi pwede." banggit niya na ikinatingin niya saming lahat.
"My God Stephen, hindi kami talo ng girlfriend mo noh. C'mon." aniya.
"Kahit na. She will sleep in our room." aniya.
"Yan ang hindi ko mapapayagan. Mamaya baka biglang may reporter na maka-spot sa kaniya noh, mahirap na. Saka mas hindi ako palagay na lalaki ang kasama niyang matulog." ani Cliff.
"Stephen, okay lang akong kasama sila Cliff." nakangiti kong sabi.
"But..."
"Jusko naman Stephen, safe sya samin noh. Saka wala ka nang magagawa noh, nasa room na namin ang mga gamit ni Shiela." pagtataray niya.
Nasa van kasi ang mga gamit namin. Binanggit ni Cliff na sila na ang mag-aayos nun tutal naman at sila ang mauuna samin makapunta ng Baguio.
"Fine! Sige na. Lagot ka sakin Cliff kapag may nangyari dyan." inis niyang sabi.
"Possessive masyado. Sige na pumunta na kayo sa mga room niyo. Frederick, samahan mo na muna sila. Kakausapin ko lang yung organizer." ani Cliff at umalis na sila.
Hinatid nga kami ni Fred sa 11th floor nitong hotel kung saan naka-locate ang mga kwarto namin.
1126 ang room number nila Stephen. Magkakasama silang magkakabarkada sa iisang room. 1123 naman ang amin nila Cliff.
"Gusto ko munang makita ang magiging kwarto niyo." ani Stephen nung makarating kami sa 11th floor.
"Dude, wala ka bang tiwala kila Cliff? E parang mas babae pa nga yun gumalaw kay Shiela eh." natatawang sabi ni Fred habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...