"O kamusta ang klase mo?" tanong ko nung maihanda ko na ang pagkain nya.
"Okay lang. Nagkaron lang ng special recitation si ma'am. Buti nakapag-advance reading ako kagabi." aniya at kumain na.
"Hindi ka ba napapagod sa sitwasyon mo?" tanong ko. Para kasing ang hirap ng ginagawa nya.
"Ha?" tanong nya.
"Hindi ka ba nahihirapan na every Monday to Saturday, ang dami mong trabaho, tapos ang Linggo na restday mo sa trabaho ay sya namang pasok mo sa med school?"
"Shiela, tao lang ako. Syempre nahihirapan din ako noh." aniyang nakangiti. "Pero kahit mahirap, basta gusto mo yung ginagawa mo? Hindi ka magsasawa," aniya at kinindatan ako. Napangiti tuloy ako. Loko-loko talaga tong boyfriend ko eh haha.
"Kumain ka na nga lang. Kikindat ka pa dyan, hmp." aniko at inirapan sya.
"May balak ka bang mag-aral ng medicine after ng course mo?"
"Hindi ko alam. Maghahanap pa muna ako ng trabaho bago pag-isipan yon."
Tumango sya.
"Teka, kapag naging doktor ka na, magbabanda ka pa rin ba?"
"Ayaw mo ba?" tanong nya.
"Ha?" tanong ko.
"Papayagan mo pa ba kong mag-banda?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ewan ko sayo,"
"Next next week, may pasok ka na, hindi na tayo madalas magkikita't-magkakasama. Baka mamiss mo ko,"
"Wow huh. Nakakahiya sa napaka-humble mong ugali Stephen, haha. Okay lang naman yun,"
"Buti pa sayo ayos lang. Sakin, hindi. Wala bang nagpapalipad hangin sayo dun sa school nyo?"
"Wala." aniko.
"Weh? Talaga?"
"Oo nga." sagot ko.
"Sabagay, for sure naman mas gwapo pa ko sa mga estudyante sa school nyo."
"Ang yabang nito. Mas gwapo ka nga pero mas marami namang mas mabait sayo doon. Mas gugustuhin ko na yung may itsura lang pero mabait, kesa sa gwapong napakayabang," aniko at pinindot ang ilong nya.
"Buti na lang mabait ako di ba? Gwapo na, mabait pa?" nakangiting sabi nya dahilan para matawa ko.
"Ewan ko sayo MOO. Para kang timang haha. Ang layo na tuloy nang narating ng usapan natin, hahaha."
"MOO kapag may nagpalipad hangin sayo don sabihin mo taken ka na huh. Kapag nagkaroon ako ng free time baka sunduin kita sa school nyo. Kapag may nakita akong lalaking kasama mo, lagot sakin yon,"
"Seloso ka talaga. Stephen, sa posisyon ko sa school, hindi maiiwasan na may makasama akong lalaki, pero isa lang sinisiguro ko sayo," aniko at hinawakan ang kamay nya. "Ikaw lang ang mahal ko."
Napangiti sya at lumapit sakin. "Mahal na mahal din kita Shiela." aniya at niyakap ako. "I love you so much,"
Niyakap ko rin sya. Hindi naman ako nag-aalalang may makakita samin dahil nandito kami sa private room nya sa school. Hindi kasi sya nakakakain noon dahil sa mga fans nya kaya binigyan sya ng school nila ng private room para may lugar sya pag breaktime.
---------------------------------------
"Sigurado ka bang okay ka lang dito? Baka dumugin ka ng fans mo kapag naki-" ha? Bakit walang tao?
Nandito kami sa Amusement Park na madalas naming puntahan noon.
"Pina-reserve ko ang lugar na to para lang satin," aniya at inakbayan ako. "Remember this place? Sobrang daming memories ang meron tayo noon dito. Ang amusement park na to ang isa sa mga saksi sa pagmamahalan natin."
Napangiti naman ako.
"Tara na," aniya at naglakad na kami.
Pagpasok namin ay may sumalubong na lalaki samin. "Good evening po sir, ma'am. Eto na pong damit ninyo." aniya at inabot samin ang isang paper bag bago umalis.
"Eto ang susuutin natin," aniya at binigyan ako ng green shirt.
Tinignan ko iyon at napangiting tumingin kay Stephen.
"HE'S MINE," basa ko sa shirt. May putol na parte ng arrow ang nakalagay doon at kalahati ng puso na mukha nya ang naka-print.
"Meron pa yan sa likod," nakangiti nyang sabi kaya tinignan ko iyon.
"MOO (My One & Only)," basa ko. "Ang corny, pero ang sweet. Thank you," aniko at niyakap sya.
Hinalikan nya ang noo ko. "I'm happy you liked it."
Tinignan ko sya. "I love it MOO. Lahat naman ng mga efforts mo, well-appreciated eh. I love you."
"Love you too," aniya at dinampian ako nang halik sa labi.
Sinakyan namin yung madalas naming sakyan na rides noon. Sinulit namin ang mga oras na tila ibinalik kami sa panahong mga high school students pa lang kami.
"Ang ganda ng mga stars noh? Parang ang lapit lang nila." banggit ko. Nandito kami sa ferris wheel ngayon.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba inaatake ng sakit mo?" tanong nya.
Tinignan ko sya at ngumiti. "Nakabukas naman yung ibabaw nitong sinasakyan natin eh, saka komportable naman ako sayo. Alam kong kahit nasa masikip na lugar tayo basta kasama kita, hinding-hindi mo hahayaang atakihin ako ng claustrophobia ko,"
Hinalikan nya ang kamay ko. "Hindi talaga." nakangiti nyang sabi.
Ngumiti ako at humilig sa kanya. "Sana ganito na lang tayo palagi." aniko at yumakap sa braso nya.
Hinalikan nya ang ulo ko. "Kung pwede nga lang na dito na lang tayo habambuhay. Huwag kang magseselos sa mga fans na lalapit sakin huh."
Tumango ako. "May tiwala ako sayo Stephen." aniko.
"Salamat MOO." aniya. "Sana nga ganito lang tayo lagi, walang iniisip na mga fans. Walang iniisip na may makakakuha ng mga litrato natin. Walang mga taong humahadlang sa pag-iibigan natin. Ang tanging meron lang ay IKAW at AKO."
----------------------------------
issa_gokou
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomantikThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...