"O, ginabi ka na ata, anak," bungad sakin ni mommy pagpasok ko sa bahay namin.
"Mhee, may sasabihin po ako sa inyo," pa-simula ko at umupo sa sofa.
Sumunod sakin si mommy at umupo sa tabi ko.
"Mhee, may inoffer po sakin na trabaho ang principal namin. Tutor po ako ng ka-schoolmate ko."
"Naku anak, baka mapagod ka huh. Pero malaking tulong na rin satin yan, lalo na ngayon at patuloy ang gamutan sa daddy mo," aniya.
Ngumiti ako. "Mhee, eto po yung contract na hinanda ni Mr. Murillo. Nandyan po yung mga benefits na makukuha ko pag napataas ko ang academic standing ng anak nya," paliwanag ko at ibinigay sa kanya ang contract.
Binasa nya iyon at katulad ng reaksyon ko kanina ay literal na nanlaki din ang mga mata nya.
"Totoo ba ito anak?" tanong nya at tinignan ako.
"Opo mhee, kaya po tinanggap ko yung trabaho kahit mahirap dahil pasaway po yung tutee ko, kasi ang dami ko pong makukuhang benefits."
"Naku anak, baka naman saktan ka nun huh,"
"Mhee, hindi naman ako papayag na saktan nun." nakangiti kong sabi.
Ngumiti na rin sya at niyakap ako.
"Salamat anak huh. Pasensya ka na, hindi naman natin inaasahan yung nangyari sa daddy mo."
"Okay lang po yon mhee. Gusto ko rin pong matulungan kayo,"
"O sya sige, magpalit ka na at maghahanda na ako ng dinner natin." aniya at tumayo na.
Agad na rin akong tumayo at umakyat.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Stephen kanina.
Hindi ako makapaniwalang sinabihan syang bobo ng mga teachers namin...pero sabi nga nya, gago sya pero hindi sinungaling. Haaaaaay..kawawa naman sya.
Kinuha ko ang notebook ko at sinimulan ang paggawa ng notes na pwede kong ituro kay Stephen bukas.
------------------------------------------
Papunta pa lang ako sa section nila ay abot-abot na ang kaba ko. Sila kasi ang pinaka-iniiwasang section dito sa school eh.
Ilang hakbang na lang ako sa classroom nila nang magulat ako dahil may umakbay sakin.
"Aba, ikaw yung nasa pilot section di ba?" bulong nya sa tenga ko na talagang ikinaasiwa ko.
Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya pero ayaw nyang alisin.
"Ano ba, tanggalin mo nga yan," inis kong sabi.
"Ano namang ginagawa ng tulad mo dito?" nakakaasiwa ang way nya ng pagtatanong dahil inaamoy-amoy nya ang buhok ko.
"Ano ba, lumayo ka nga!"
"Minsan lang may magawing tiga-pilot section dito. Alam mo bang niyuyurakan namin ang pagkatao ng ibang tao dito?" sabi nya at tinanggal ang buhol ng necktie ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" takot ko ng sabi at pinipilit makawala sa kanya pero talagang mas malakas sya.
Nagawa nyang buksan ang unang butones ng uniform ko gamit lang ang isang kamay habang nagpupumiglas ako.
"Ano ba!!" umiiyak na ko dahil sa takot.
"Pst! David, tama na yan," wika ng isang boses sa likod namin.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
Roman d'amourThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...