Chapter 9: In one condition

62 6 0
                                    

SHIELA'S POV



Haaaay, ang sarap ng tulog ko. Nag-inat pa ko habang nakahiga.





"Did you sleep well?"






Agad akong napabangon nang marinig iyon at nakitang nakaupo si Stephen sa pang isahang couch. Agad akong napatingin sa buong bahay. Shaks! Hindi samin to!





"You're in my house,"





Napansin ko ang kusina nya kaya sumenyas ako kung pwede akong pumunta don.








"Same old you, hindi nagsasalita pag bagong gising hangga't hindi nakakapagmumog. Go on," seryoso nyang sabi kaya agad akong tumakbo papunta doon at nagmumog at naghilamos. Buti at nasa bulsa ko ang panyo ko.











E syempre di ba nakakahiya kapag hindi ka nagmumog muna.





Nang okay na ko ay bumalik ako sa kinalalagyan ko kanina. Ngayon ko lang napansin na naka-robe lang pala si Stephen.










Haaaaay... Nakakakaba naman sya tumingin.










"Anong ginagawa mo sa gate ng bahay ko kagabi?"










"Sabi kasi ng manager nyo ikaw lang daw ang hindi pumayag na magperform uli sa school namin."











"O bakit? Di ba sabi mo din naman hindi mo din ginustong magperform kami don?" seryoso nyang sabi.









"Oo nga, pero yung mga estudyante kasi don kayo ang nirequest kaya kailangan ko uling magset ng date para sa pagpeperform nyo don."









"So napipilitan ka lang din gawin to? Ganon?"









Sasabihin ko ba ang totoo? Kaso baka hindi ko sya mapapayag eh.










"Tsss.. Nandito ka para lang kumbinsihin akong magperform sa school nyo, tama?"









Ngumiti ako at tumango. "Oo, ganun nga."








"Pwes, umuwi ka na, hindi ako tutugtog don." aniya at tumayo na.











"Stephen, para din naman to sa mga fans nyo dun eh," aniko.










"I don't care," aniya at naglakad na.







Argh! Kainis naman eh! Pero kailangan ko syang makumbinsi!









Pikit mata akong tumayo. "I will do everything you want basta pumayag ka lang."














"Sigurado kang lahat gagawin mo?" bulong nya sa tenga ko dahilan para mapamulat ako dahil tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.









Napaatras ako dahilan para maapakan ko ang tela sa maliit nyang sofa kaya nadulas ako.







"Aaaaaaaahh!"









Sa kasamaang palad ay nahigit ko ang robe nya kaya pareho kaming bumagsak sa malaking couch na pinaghihigaan ko kanina. Muntik pa kaming mag-kiss.














Way Back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon