Chapter 7: After 5 years...

62 6 0
                                    

PRESENT TIME


"Pres!"


Tila nagising ako at natapos sa aking pagbabalik-tanaw.




"Nandito lang po pala kayo. May problema po tayo," humihingal na sabi ni Cheska. Ang Auditor ng SC.





"O ano yon?"






"Nagkaroon po ng problema kila Stephen. Mataas po pala ang lagnat nya," aniya.



"Ano? Bakit hindi nila sinabi agad?!" agad na kong tumakbo papuntang backstage.







Pinalilibutan sya ng mga tao nung makarating ako don.





"Edcel, pasabi sa emcee na paki-cancel yung intermission number ng Black Po-faced."




"No, We'll do it," seryosong sabi ni Stephen na halatang masama ang pakiramdam.





"No. Halika dadalhin ka na namin sa clinic," aniko at hinawakan sya pero agad nyang inalis ang kamay ko.







"We'll do it," matigas nyang sabi at tumayo pero muntik na syang matumba buti at naagapan sya ni Justin.




"Dude hindi mo kaya." -Justin.



"Kaya ko," matigas ang ulo nyang sabi.




"Hindi mo kaya. Halika na sa clinic," aniko.






"Stop acting as if you care for me!" inis nyang bulyaw sakin.




"Stephen," pigil ni Euler.




Nainis na talaga ko.




"Stop acting as if I care for you?! E siraulo ka pala eh, hindi ako umaarte! Hindi lang ako ang nag-aalala sa kalagayan mo noh! Tignan mo ang lahat ng tao dito! Nag-aalala sila dahil sa katigasan ng ulo mo!" inis ko ring bulyaw sa kanya.




"Pres. tama na," awat ni Rose.






"Hindi eh! Sabi nya kaya nya di ba? O edi kaya nya. Ituloy nyo yung number nila! Kaya pala nya eh!," galit kong sabi.





"Shiela.." seryosong sabi ni Frederick.





"Sana kasi sinabi nyo na agad kanina na nilalagnat pala sya!" inis kong sabi. "Argh! Tawagin nyo na lang ako kung tapos na kayo." aniko at naglakad na. Napalingon ako nung bigla silang magsigawan.










"Stephen!" sigaw nila.






Nakita kong hawak ni Justin si Stephen na nawalan ng malay. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.





"Tumawag kayo ng ambulansya!" aniko at hinawakan ang pisngi nya. Sobrang init nya. "Stephen! Stephen!"







Sumama ako sa pagdala sa kanya sa ospital, pero nang makita ko ang pamilya nya ay agad na kong umalis. Alam kong hindi na ako dapat pang makigulo sa kanila.








Minsan na kong nakagulo sa kanila at ayoko ng magkagulo uli sila dahil sakin. Nagulat na lang ako nang biglang may tumulo sa mga mata ko. Marunong pa pala uli akong umiyak. Akala ko tapos na kong umiyak noon. Agad ko iyong pinunasan at nagmadali ng umalis.









Sa paglalakad ko ay napadpad na pala ko sa park. Nakakita ako ng swing, umupo ako don at hindi ko na napigilan ang muling maiyak at mabalikan ang mga alaala namin noon.






Way Back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon