"Stephen, umayos ka nga kasi ng upo," badtrip kong sabi dahil nakahiga na naman sya.
"Bukas na uli, nakakatamad naman eh," aniya at pumikit na.
"30 minutes pa nga lang tayo nag-aaral eh, pagod ka na agad?"
Umayos sya ng higa.
"Huy Stephen! Ano ba, tumayo ka na dyan!" sabi ko pero nakapikit pa rin sya. "Hoy! Stephen!" inuga-uga ko ang paa nya.
"Pwede bang mamaya na?" irita nyang request.
Napabuntong hininga na lang ako at umayos din ng upo.
"Okay. 10 minutes lang huh,"
Isinuot nya ang earphone nya at pumikit. Binasa ko naman ang libro nya sa Science.
Habang nagsusulat ako ay napatingin ako sa kanya. Infairness, gwapo talaga tong taong to, masama lang talaga ang ugali. Ni hindi ata to nagkaka-tighawat eh. Sobrang kinis ng mukha pero hinding-hindi mo paghihinalaang bakla dahil lalaking-lalaki ang features nya.
Mukhang nakatulog na agad sya. Naaawa ako sa kanya dahil mukhang nahihirapan talaga sya sa pag aaral. Hindi dahil sa bobo sya, kundi dahil wala rin syang foundation na pinanghahawakan. Hindi kasi sya nakikinig sa mga teachers nya noon kaya marami syang hindi maintindihan ngayon.
"10 minutes mong pwedeng titigan ang gwapo kong mukha,"
Nagulat ako nung magmulat sya at ngumiti. Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin. Shaks!!! Nahuli nya kong nakatitig sa kanya! Kahiya!
Ipinagpatuloy ko na lang uli ang pagsusulat.
"Pwedeng magtanong?" tanong nya.
Tinignan ko sya.
Umupo sya at tinanggal ang earphone nya.
"Bakit pursigido kang mag-aral?"
"Hindi naman kasi ako katulad mong mayaman eh. Kung hindi ako mag-aaral ng maigi, matatanggal ang scholarship ko. Madadagdagan ng gastos sila daddy." banggit ko.
Bumaba sya sa sofa at umupo sa tabi ko sa lapag.
"Kung tinanggap mo ang pagiging tutor ko, baka mapabayaan mo ang pag-aaral mo,"
Hindi ko alam kung talaga bang nahihimigan kong parang nag-aalala sya sa kalagayan ko? O mali lang ako ng interpretation sa mga sinasabi nya?
"Kung nilalaan mo ang dalawang oras mo kakaturo sakin, baka mapabayaan mo ang pag aaral mo. E wala din namang mangyayari sa pagtuturo mo dahil bobo nga ako."
"Stephen, hindi ka bobo. Walang taong bobo. Tutulungan kitang patunayan sa lahat na mali sila sa iniisip nila sayo." seryoso kong sabi habang nakatingin ng diretso sa kanya.
Saglit syang nagulat pero ngumiti din. Ngiting alam kong walang halong pang-iinis o anuman. Yung ngiting yon ay yung tipo ng ngiting madalang lang nya ipakita. Isang tunay na ngiti.
"Yan ang trabaho mo kaya dapat magawa mo yan, diba?"
"Hindi kita tutulungan dahil lang sa tutor mo ko. Tutulungan kitang mapataas ang grades mo dahil gusto kong patunayan mo sa lahat na mali sila ng iniisip. Walang taong bobo. Mali ang mga teachers na tumawag sayo ng masamang salitang yon." matapang kong sabi.
"Ang tapang mo talaga, haha." sambit nya at sumandal sa sofa nila.
"Kaya maki-cooperate ka na sakin. Pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko sayo, para din naman to sayo eh," seryoso kong sabi.
"Hindi naman ako tulad mong mahilig mag-aral. Nakakatamad kaya yon."
"Haaaaay.. paano ba kita mamo-motivate mag-aral?" problemado kong sabi.
Ano bang pwedeng maging motivation para mapag-aral ko sya?
"Kahit anong gawin mo, hindi mo ko mapipilit." mayabang nyang sabi.
"Ahhh ganon.." aniko at nakita ang mga gadgets nya.
Tumayo muna ako at umakyat para kausapin si Mr. Murillo.
----------------------------------------
STEPHEN'S POV
May sa bigla talaga yung babaeng yon. Bigla na lang akong iniwan dito sa sala, haha.
Kinuha ko ang papel na ginagawan nya ng notes. Ang tiyaga nya talaga para isulat tong mga to.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil dito. Pursigido talaga syang maturuan ako.
Seryoso, magaling sya magturo. Kahit papano naiintindan ko naman ang mga sinasabi nya. Talagang inuulit-ulit nya ang tinuturo nya hanggang sa makuha ko yon.
Nagtaka ko ng makitang kasama nya si Rex, ang pinaka-pinagkakatiwalaang bodyguard ni daddy nung bumalik sya dito sa sala.
"Hey, hey.. What are you doing?" taranta kong tanong nung isa-isang kinuha ni Rex ang mga gadgets ko.
"Makukuha mo isa-isa ang mga gadgets mo everytime na makakapasa ka sa quiz nyo. That will be your motivation para mag-aral." banggit ni Shiela.
"Yan talaga ang ginamit mong dahilan para mapag-aral ako huh?" medyo inis kong sabi.
"Oo, kasi alam kong mahalaga sayo ang mga gadgets mo. So if you want them back, mag-aaral ka ng mabuti," nakangiti nyang sabi.
"Tsss.. okay,"
-----------------------------------------
SHIELA'S POV
Sabi ko na magiging effective to eh. Alam kong mahalaga sa kanya ang mga yon at the same time nagiging sagabal ang mga yon sa pag-aaral nya. Kaya sinabi ko sa daddy nya na kunin muna ang mga gadgets nya at ibalik na lang once na makapasa sya sa quizzes nya. Um-agree naman si Mr. Murillo kaya pinadala nya ang personal bodyguard nya para kunin muna ang mga gadgets ni Stephen.
"Kaya everytime na magkaka-quiz kayo, sabihin mo sakin para mareview kita," sabi ko at umupo na uli.
Tumango na lang sya at sumandal na sa sofa nila.
-------------------------------------------
issa_gokou
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
Любовные романыThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...