Chapter 2: Mr. Pasaway

84 8 0
                                        

Wow! Ang laki ng bahay nila. Malawak ang living room na may malaking chandelier sa taas. Puting-puti ang mga dingding, may mahabang pulang carpet sa bawat hakbangan ng hagdan at napakaaliwalas ng buong lugar. Grabe, hindi ko akalaing makakaapak ako sa ganitong kalaking bahay... ay hindi.. mansion. Isa tong mansion. Ang swerte naman ni Stephen at nakatira sya sa ganito.

"Iha, saan mo gustong mag-tutorial kayo?" nakangiting tanong ni Mr. Murillo.

"Ako ang mamimili ng gusto kong lugar dad," maangas nyang sabi at inihagis ang bag sa mahabang sofa nila na sya namang agad dinampot ng maid nila. "Maghintay ka dyan, magbibihis lang ako," banggit nya at agad umakyat sa taas.

"Iha, pasensya ka na sa batang yun huh, masyado kasing na-spoiled yun ng lola nya kaya ganyan sya. Anyways, habang wala pa sya, let's discuss first your benefits being my son's tutor." sabi ni sir. "Have a sit, iha,"

"Benefits, sir?" tanong ko uli nung umupo ako, baka kasi nagkamali lang ako ng dinig eh.

"Yes iha," sabi nya at my inilabas na papel sa attaché case nya. "This is a contract I've made para naman masiguro mong matatanggap mo ang lahat ng benefits na ibibigay ko sayo kapalit ng pagtuturo mo kay Stephen." aniya at iniabot sakin ang contract.

Binasa ko iyon isa-isa.

Literal na nanlaki ang mata ko sa nabasa kong benefits na ibibigay nya.

Kapag nagawa kong makapasa si Stephen ngayong next grading ay sya ng bahala sa gamutang gagawin kay daddy, plus ang sweldo ko na 10 thousand a month. Grabe, pati ata professional teacher hindi maniniwalang 10 thousand ang handang ibigay ni Mr. Murillo para lang sa isang tutor. My ghad!

Binasa ko uli yung iba at kapag naka-pasa si Stephen ngayong taon ay sya ng bahala sa pag-aaral ng kapatid ko hanggang sa matapos sya sa Elementary.

"T-totoo po ba to?? Eto po talaga ang makukuha ko?" hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango sya. "Yes iha. Alam kong mahihirapan ka sa anak ko and I believe you deserved those benefits lalo na kapag natulungan mo ang anak ko."

"Pero, paano po kung hindi ko magawa?" tanong ko.

Ngumiti sya. "I know you can do it. Naniniwala ako sayo dahil ikaw ang pinili ng best friend ko para magturo kay Stephen."

Para naman akong na-pressure don.

"Gusto mo pa bang pag-isipan muna ang trabahong to, bago pirmahan yan?" tanong nya.

Tinignan ko uli yung contract. Magaganda na yung benefits, sayang naman kung hindi ko pa tatanggapin.

Huminga muna ako ng malalim at pinirmahan ang contract na yun. Para kay daddy to, para gumaling sya.

"Thank you again for accepting this job iha. In case na magka-problema ka sa anak ko, just tell me, okay?" nakangiti nyang sabi.

Tumango ako.

"Eto ang copy mo ng contract." aniya at ibinigay sakin ang isang copy ng contract na pinirmahan ko. "O sige, maiwan na muna kita, magpapakuha ko ng meryenda para sa inyo. May kailangan pa kasi akong trabaho na dapat asikasuhin," wika nya.

"Okay po sir," sabi ko.

Pagkaalis nya ay syang pagdating ng pagkain para sakin.

"Thank you po manang," nakangiti kong sambit.

Siguro ay 30 minutes na kong naghihintay dito sa baba ay hindi pa rin bumababa si Stephen. Haist! Pasaway talaga!

Argh!! Ang pasaway talaga! Mukhang walang balak bumaba yung damuhong yun ah. Tsss.

Way Back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon